top of page
Search
BULGAR

Miocic, napanatili ang titulo sa UFC 252, pinagretiro si Cormier

ni Gerard Arce - @Sports | August 17, 2020




Napanatili ni UFC undisputed heavyweight champion Stripe Miocic ang kanyang titulo sa UFC 252 ng maibigay sa kanya ang unanimous decision victory laban kay dating two-division world titlist Daniel Cormier, Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa APEX facility center sa Las Vegas, Nevada.

Isang umaatikabong buntalan at dikdikang bakbakan ang ipinakita nina Miocic (20-3, 14-3 sa UFC) at Cormier (22-3) sa huling beses na paghaharap ng dalawa para sa titulo, o maaaring maging sa loob ng octagon ring, matapos magparamdam ang 41-anyos mula Lafayette, Louisiana-native ng pagpapa-alam sa mixed-martial arts sa loob ng mahigit 10-taon na pakikipagsagupa.

I’m not interested in anything, but the title and I don’t imagine there’s a title in the future, So, I had a long run and its been great and it will be my last fight at the heavyweight championship and it’s a pretty good fight,” pahayag ni Cormier sa panayam sa kanya ni commentator at host Joe Rogan matapos ang laban nito.

Ibinigay ng mga hurado ang 49-46, 49-46 at 48-47 sa 37-anyos mula Euclid, Ohio upang mapanatili nito ang kanyang titulo sa unang pagkakataon matapos itong maagaw ni Cornier noon UFC 226 sa pamamagitan ng first round knockout noong Hulyo 7, 2018 sa parehong lugar. Muling nabawi ito ni Miocic noong Agosto 17, 2019 sa Honda Center sa Anaheim, California sa UFC 241 sa isa ring knockout sa ikaapat na round.

Patuloy na ipinakita ni Cormier ang kanyang fake singe-leg takedown kasunod ng over hand punch sa second round na nagpapabuka sa depensa ni Miocic. Subalit bago matapos ang 2nd round ay bumirada ng isang matinding right hook sa mukha si Miocic upang mapabagsak si Cormier na mistulang na-groge na nagawa na lamang yumakap sa 6-foot-4 fighter habang bumabanat ito bago tumunog ang bell sa pagtatapos ng round.

I'm going to wake up early tomorrow, go see my baby girl, I've been missing her all week,” wika ni Miocic sa post-fight interview. “I'm just going to enjoy life for now. We'll figure it out, we've got all summer.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page