ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 13, 2024
May magandang balita na ire-release ang Uninvited, ang entry ng Mentorque at Project 8 Projects sa 2024 MMFF na R-16 ang rating na ibinigay ng MTRCB.
Ang mas maganda pa, walang cuts ang pelikula nina Aga Muhlach, Nadine Lustre at Vilma Santos kaya mapapanood ang ilang ulit na pagmumura ni Nicole (Nadine) sa ama niyang si Guilly (Aga). Malulutong pa naman ang mura ng karakter ni Nadine na ikinapikon ng karakter ni Aga.
Dahil without cuts, ibig sabihin nito, mapapanood din nang buo ang eksenang sinampal ni Aga si Nadine.
Sa trailer, bitin ang eksenang ‘yun, inaabangan ng netizens kung natuloy ang pagsampal ni Aga kay Nadine. Tiyak na malakas dahil sa sobrang galit ni Aga.
Samantala, after ng promo sa Cebu, sa Davao naman pupunta ang cast ng Uninvited bukas, December 14. May mediacon at fancon din na gagawin sa Gaisano Mall, hindi lang nabanggit kung may parade rin before the mediacon.
Anyway, may promo ang Mentorque na tiyak magugustuhan ng moviegoers. Ang bibili ng 2 tickets ay mabibigyan ng 2 VIP Access sa premiere night. Ibig sabihin, twice ninyong mapapanood ang nabanggit na pelikula.
Hindi napangatawanan ni Sen. Lito Lapid ang pagiging nonchalant sa isyu sa kanila ni Lorna Tolentino dahil later on, bumigay din siya.
Nang simulang pag-usapan ang ka-love team niya sa FPJ's Batang Quiapo, parang hindi interesado ang senador. Wala siyang reaksiyon at pinapakinggan lang ang tanong ng press.
Ang anak na COO ng TIEZA (Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority) na si Mark Lapid ang unang nag-react. Ngiti nang ngiti si Mark sa mga pasundut-sundot na tanong noong una sa PriManda love team ng ama at ni LT. Si Mark din ang nagbuko ng mga linyahan ng mom niyang si Marissa Lapid patungkol sa ama at kay LT.
Nagtawanan ang press sa binanggit ni Mark na dialogue ng ina na “Kung kailan ka tumanda, saka ka pa lumandi at may kissing scene.”
Tamang-tama naman na sa ipinalabas na video clip ng BQ, may kissing scene sina Lito at LT. Sayang at walang nakapagtanong kung take one ang kissing scene na ‘yun.
Puno ng tawanan ang Christmas lunch with the press nina Lito at Mark at nakakatuwang pagmasdan ang closeness ng mag-ama. Hindi pumapayag si Lito na siya lang ang nasa spotlight, gusto laging katabi si Mark.
Gaya na lang nang ibigay ni Eugene Asis kay Sen. Lito ang trophy na galing sa AmerAsia International Awards, tinawag nito si Mark at ang producer na si Jessie Chua para makasama niya sa picture-taking. Muli ngang inulit ni Lito ang malaking utang na loob niya kay Mr. Chua.
Nagpasalamat si Lito sa award at sabi, “Sana pati si Mark.”
May ilang instances pa na binanggit ni Lito na “Sana pati si Mark.” Tama kaya ang naisip namin na kapag wala na sa Senado si Lito, gugustuhin niyang si Mark ang pumalit sa kanya?
Sobrang pagmamalaki rin ni Lito kay Mark na nagtapos ng Ph.D, kaya ang tawag na raw sa anak ay “Doctor Mark.”
“Ako, hindi ako nakapag-aral, kaya sabi ko sa mga anak ko, mag-aral sila, magtapos. Suwerte lang ako na may tumulong sa akin (si Mr. Chua), dati lang akong stuntman, pero nakagawa ako ng mga pelikula with FPJ, Rudy Fernandez, Nora Aunor at Dolphy. Sinuwerte rin sa pulitika at ngayon, muling susubok sa Senado. Pang-fourth term ko na kung sakali,” sabi ni Lito.
Mukhang malakas pa ang laban ni Lito sa pagka-senador dahil sa latest result ng Pulse Asia survey, pasok siya sa Top 10.
After awayin at pagmumurahin ng mister…
"KAYA PA" — RUFA MAE
Para sa mga nakabasa, may double meaning ang post ni Rufa Mae Quinto sa Instagram na “Kaya pa” at may double meaning din ang comment ng kanyang mga kaibigan.
Gaya na lang ni Mariel Padilla na nag-comment ng “Kayang-kaya... IKAW PA BA!” na sinundan ni Jerald Napoles ng comment na “Kayang-kaya friend!!!”
May mga comments naman na “Laban” at ang pinauso niyang “Go Go Go.”
May pinalakas naman ang loob ni Rufa Mae by commenting “Bawal sumuko” at marami ang nagdarasal para matapos na ang isyu sa kanila ng kanyang asawa. Hindi raw siya pababayaan ng Diyos dahil alam na mabait siya.
Tila tahimik na ang asawa ni Rufa Mae pagkatapos awayin online ang komedyana na minura pa at kung anu-ano ang itinawag. May mga nagtatanong kung kumusta na ang anak ni Rufa Mae at kung nasa kanya ba o sa poder ng ama.
Comments