ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Jan. 16, 2025
Mukhang maganda ang pasok ng suwerte sa komedyanteng si Pepe Herrera. Magkakasunod na proyekto ang kanyang ginagawa pagpasok ng bagong taon.
After na gumanap na Lods (Hesus Kristo) sa Rewind noong 2023, Satanas naman ang role ni Pepe sa pelikulang Sampung Utos Kay Josh (SUKJ) na pinagbibidahan nila ni Jerald Napoles.
Balita ring matatapos na ang comedy film na unang pagbibidahan nina Pepe at KitKat, ang Pranks In Tandem (PIT) na ang target playdate ay ngayong March, 2025.
Ayon sa director ng comedy film na si Direk Franco Arce, first time nilang makatanggap ng maraming requests na pagsamahin ang dalawa.
Gagampanan nina Pepe at Kitkat ang magkalabtim at magka-partner sa lahat ng bagay na inilalarawan bilang katatawanan.
Sa script reading ng PIT, kuwento ni Kitkat, “Kami ang magkapareha ni Pepe. May mga aksiyon, may bugbugan.”
Kawawa raw si Pepe sa bugbog na inabot nito.
Buwelta ni Kitkat, “Sana, si Janno (Gibbs) ang partner ko rito, para makaganti ako sa kanya. Bugbog-sarado s’ya tiyak sa ‘kin.”
Dito namin napag-alaman na hindi pa rin daw sila okey ni Janno pagkatapos ng isyu ng dalawa sa isang programang pinagsamahan nila sa TV5, kung saan minura siya ni Janno.
“Ni sorry nga, wala!” sabi ni Kitkat
Bibigyan ng P1M sa awa…
RUFA MAE KAY WILLIE: PAG-ISIPAN KO MUNA
Maraming netizens ang na-touched sa pagbibigay ni Willie Revillame ng P1M sa komedyanang si Rufa Mae Quinto na kinasuhan ng 14 counts ng violation sa Section 8 ng Securities Regulation Code kaugnay ng pagiging endorser nito ng Dermacare skin clinic.
Matatandaang kusang-loob na sumuko kamakailan sa NBI si RMQ at nagpiyansa lang ng P1.7M para pansamantalang makalaya.
Ang pagkikita nina Willie at Rufa Mae ay nagkataon lamang.
Kuwento ni Wil, “Kumain kami nu’ng anak kong si Juamee sa isang restaurant. Eh, walang silya kaya bumaba kami.
“So, nakita ko s’ya, may mga kasamang abogado, may mga pulis,” gulat niyang sabi.
Nagbiro pa ito ng, “May posas pa s’ya.”
Kuwento pa niya, “So, sabi ko, ‘Kumusta ka?’ ‘Yun ‘yung time na kakalabas pa lang n’ya.” Hindi na nagdalawang-isip si Willie na tulungan si Rufa sa kanyang pinagdaraanan.
Malaki ang pasasalamat ni Rufa Mae noong abutan siya ni Wil ng P1M.
Emosyonal na kuwento ni Rufa, “Binigyan po n’ya ako ng 1 million pesos noong nakita ko s’ya.
“Seryoso po ito, ha, noong nakita at nakausap ko po s’ya, sabi n’ya, ‘Sana, tinawagan mo ako para tinulungan kitang mag-bail.’
“Sabi pa niya, ‘Sige, bibigyan kita ng 1 million ngayon.’”
Gulantang si Rufa Mae at nagbiro, “Sabi ko naman, ‘Bukas na lang, pag-isipan mo muna, baka nagugulat ka lang.’
“Sabi naman niya, ‘Hindi, naaawa kasi ako sa ‘yo, eh, sa mga pinagdaanan mo.’”
Todo-pasalamat si Rufa Mae dahil sa ginawang ito ni Kuya Wil at sa mga taong tumulong hindi lang sa pinansiyal.
Aniya pa, “Hindi lang po kayo ang tinulungan n’ya, kundi pati ako.
“Kaya nagha-hi-hello ako para sabihin sa kanya (Willie) na maraming salamat.
“Siyempre, nagpapasalamat ako sa Diyos, nagdasal po ako. Sa NBI, sa press, hindi nila ako pinatakas.
“Talagang bawal ang eskapo. Hindi naman ako nakulong kasi nakapag-bail ako. Ngayon, bail-bail na lang!
“Pero okey na ‘yun, positivity na lang. Ang importante, binigyan n’ya (Willie) ako ng cash.”
Comments