top of page
Search
BULGAR

Mindanao State University gymnasium binomba, 4 patay

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 3, 2023




Patay ang hindi bababa sa apat na katao nang may naganap na pagsabog sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU) sa Lungsod ng Marawi, ngayong Linggo.


Nangyari ang pagsabog habang isinasagawa ang misa sa gymnasium ng unibersidad.


Mahigit sa 40 katao ang dinala sa pampublikong ospital na Amai Pakpak Medical Center matapos ang mapaminsalang pagsabog. Anim sa kanila ang nasa loob ng operating room.


Naglabas na ng pahayag ang MSU ukol sa insidente.


“We unequivocally condemn in the strongest possible terms this senseless and horrific act and extend our heartfelt condolences to the victims and their families,” pahayag nila.


Kinondena rin ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. ang "pambobomba" at nanawagan sa mga otoridad na imbestigahan ang pangyayari.


“Here in my province, we uphold basic human rights, and that includes the right to religion. Terroristic attacks on educational institutions must also be condemned because these are places that promote the culture of peace and mold our youth to be the future shapers of this country,” aniya.


Sinabi ni Police BGen Allan Nobleza, direktor ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na hindi pa natutukoy ng mga otoridad ang motibo o ang uri ng pampasabog na ginamit.


"Tinitingnan pa natin kung ito ba ay may koneksyon sa mga operations na inilunsad ng puwersa ng kasundaluhan at kapulisan sa BARMM," pahayag ni Nobleza.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page