top of page
Search
BULGAR

Mindanao, mapayapa na — P-Du30

ni Lolet Abania | March 13, 2022



Nakamit na rin ng gobyerno ang layong kapayapaan sa Mindanao sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.


Ito ang naging tugon ni Pangulong Duterte sa interview ni Pastor Apollo Quiboloy nitong Sabado, na ayon sa kanya maituturing na mapayapa na ang Mindanao na resulta ng pagsisikap ng gobyerno na maitatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ang deployment ng mga puwersa ng militar para mapanatili ang kapayapaan sa Jolo, Sulu.


“I think we have relatively a peaceful Mindanao, Pastor. The contentious issue in the yesterdays were the BARMM at napagbigyan naman natin si Murad, and dito sa Jolo, in-order-an ko ang Armed Forces to place one division, marami ‘yan. And so medyo nagkalma na,” pahayag ni Pangulong Duterte na aniya pa, wala nang mga insidente ng kidnappings at karahasan sa lugar sa ngayon.


Tinukoy ng Pangulo ang tungkol sa tinatawag na “good rapport” o mabuting ugnayan ng pamahalaan sa mga Moro leaders ng Mindanao. “And I think that just allow them in the governance of our country and give them enough elbowroom to, you know, just govern without interference of armed groups,” ani Pangulo.


“The Moro hatred dahang-dahang nawala sa kanila because gipagbigyan natin sila sa lahat at anong hiningi nila. As a matter of fact, my last -- pinakamarami sa administrasyon ko na maraming mga Moro,” sabi ni Pangulong Duterte, habang binanggit nito ang bago niyang itinalaga na si dating National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Saidamen Pangarungan bilang Commission on Elections (Comelec) chairman.


“So sinadya ko ‘yan para wala silang masabi that they are being left out. And for the long list of prosecutors and judges, marami akong in-appoint, lady Moro judges at ‘yung mga prosecutors,” sabi ng Pangulo.


“I think that we have achieved militarily the objectives of keeping the peace in Mindanao. God willing, if this will be the -- if the equilibrium nama-maintain, we are trouble-free. I hope -- I hope and I pray of course,” saad pa ng Punong Ehekutibo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page