ni Eli San Miguel @Overseas News | July 5, 2024
Iniulat ng Taiwan nitong Biyernes ang bagong military activity ng China malapit sa kanilang teritoryo, kasama ang isa pang "combat patrol," habang nananawagan ang gobyerno sa Beijing na huwag paigtingin ang tensyon matapos ang pagkumpiska sa isang fishing boat ng Taiwan.
Sinabi ng Ministry of National Defense ng Taiwan na mula bandang alas-7 ng umaga (2300 GMT) nitong Biyernes, kanilang natukoy ang 26 na sasakyang militar ng China, kabilang ang mga J-16 fighter, na naglunsad ng "joint combat readiness patrol" kasama ang mga Chinese warships.
Mula sa umpisa ng buwan na ito, natukoy ng Taiwan ang hindi bababa sa 127 na sasakyang militar ng China na nag-o-operate malapit sa isla. Inihayag ng China na nag-uugat ang kanilang mga problema sa Taiwan dahil sa pagiging "separatist" ng pananaw ng bagong Pangulo ng isla na si Lai Ching-te.
Comentarii