ni Angela Fernando - Trainee @News | October 27, 2023
Pinaiigting ng Amerika at Pilipinas ang kanilang ugnayan matapos ang insidente ng umano'y pagbangga ng China sa mga barko ng 'Pinas sa West Philippine Sea.
Ayon sa Department of National Defense (DND), siniguro nina US Defense Secretary Lloyd Austin III at Filipino counterpart Gilberto Teodoro, Jr. na ang Mutual Defense Treaty ay para sa parehong bansa, sakop ang sasakyang pandigma hanggang 'South China Sea'.
Naglabas din ng pahayag ang DND na nagpakita ng kahandaan ang dalawang Kalihim at sinabing papabilisin ang pagmodernisa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at idiniin ang hindi matatawarang paninindigan ni Austin sa bansa.
Sa kabilang banda, nagbigay din ng paalala ang US President na si Joe Biden na suportado ng kanilang bansa ang Pilipinas.
Comments