top of page
Search

Sintomas sa mild case, nababawasan... Lagundi at tawa-tawa, aprub sa DOST

BULGAR

ni Lolet Abania | October 17, 2021



Positibong ipinahayag ng Department of Science ang Technology (DOST) na ang lagundi at tawa-tawa ay posibleng adjunct treatment o karagdagang panggamot na makatutulong na mabawasan ang sintomas ng mga may mild COVID-19 cases.


Sa isang interview kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra ngayong Linggo, sinabi nitong natapos na ang clinical trial para sa lagundi at ang inisyal na kongklusyon ng study team ay kayang bawasan ng naturang herbal medicine ang sintomas ng mild COVID-19 cases.


“So, na-prove na nila na nale-lessen ‘yung mga symptom using lagundi, lalo na ‘yung pagkawala ng pang-amoy, nakapagbibigay din ito ng overall relief from discomfort due to the symptoms,” ani Guevarra.


Gayundin, para sa trial ng tawa-tawa, nakapagbigay ito ng magagandang feedback mula sa mga respondents na may mild hanggang moderate cases ng COVID-19.


“Of the 172 random COVID-19 positive respondents who took two tawa-tawa 1,950mg capsules three times a day for 10 days, their symptoms disappeared within three to five days,” sabi ni Guevarra.


Nilinaw naman ng kalihim na ang tawa-tawa ay ibinibigay bilang food supplement. Paliwanag pa ni Guevarra, ang lagundi ay isang herbal medicine, habang ang tawa-tawa ay isang herbal supplement. “Magkaiba ‘yun,” sabi pa niya.


Ayon kay Guevarra, ang mga sintomas na nawala simula nang gumamit ng tawa-tawa ay lagnat, chills, masakit na katawan, at ubo.


“’Yung isang respondent, sabi niya, pagka-take niya, ang general well-being niya nag-improve -- pati ‘yung paghinga. ‘Yung isa nagkaroon ng increased appetite, better bowel movement ... tapos na-alleviate ang cough,” sabi pa ni Guevarra.

Sa kabuuan, ang lagundi at tawa-tawa ay nagbunga ng magandang resulta kontra-COVID-19 na may mild at moderate symptoms.


Sinabi rin ni Guevarra na naghahanap na at pinag-aaralan na rin ng DOST ang anti-viral effect ng lagundi para sa pasyenteng mayroong mild at moderate COVID-19 cases na may comorbidities.


Nang tanungin si Guevarra kung ang lagundi at tawa-tawa ay maaari ring gamitin bilang self-medication aniya, “its okay, there’s no harm expected from lagundi and tawa-tawa.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page