top of page
Search
BULGAR

'Di mangalabit... Dodot, mas mahilig manghawak — Mikee

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 17, 20244




Nagkaroon ng guesting ang mag-asawang Mikee Cojuangco at Robert “Dodot” Jaworski Jr. sa ‘Fast Talk with Boy Abunda,' at dahil matagal-tagal din nu'ng huling lumabas sa telebisyon ang dalawa, hindi na nangiming magtanong sa Tito Boy patungkol sa marriage nila.


Siniguro ni Mikee na very supportive ang kanyang mister sa kanyang mga endeavors lalo pa't madalas mag-travel sa labas ng bansa ang dating aktres dahil siya ang representative ng International Olympic Committee (OIC) dito sa 'Pinas.


Sey naman ni Dodot, mahalaga raw na araw-araw na ipinaparamdam sa iyong partner na mahalaga sila at masigurong nabibigyan ito ng tamang assurance para mag-work ang isang relasyon.


Naging very conservative naman ang dalawa sa tanong ni Tito Boy patungkol sa kung sino ang madalas mangalabit at sinagot nila ito in a humorous way—si Dodot daw ang mahilig manghawak ng kamay dahil clingy talaga ito.


Natuwa naman sa simplicity at totoong sagot ng mag-asawa ang mga netizens, ang ilan nga ay napa-throwback pa dahil sa naging nostalgic na guesting ng dalawa.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page