ni Ambet Nabus @Let's See | November 9, 2023
Tawang-tawa kami sa mga reaksiyon ng ilang beaucon fans na nakatutok kay Michelle Dee na nasa El Salvador for Miss Universe.
Bukod kasi sa bongga nilang pagtatanggol kontra sa mga taga-Thailand na wala nang ginawa kundi i-nega si Michelle sa lahat ng aspeto, kinakikiligan daw nila si Michelle sa mga galawang-LGBTQIA nito.
“Feel na feel namin kapag may ka-holding hands ito at kayakap na co-candidates. Ramdam namin 'yung pride niya bilang siya,” komento ng mga byukonerong supporters ni Michelle.
Laging pinag-uusapan ang bawat outfit at galaw ni Michelle sa kontes. Isa siya sa mga laging nasa top kaya’t hindi talaga kataka-takang kainggitan siya gaya nga ng ginagawa ng ilang Thailand fans.
Imagine, bukod sa pag-eklay-eklay sa kanyang mga outfits, etc., nagawa pa nilang i-photoshop ang hitsura nito na produkto umano ng siyensiya kaya gumanda?
Dedma na nga lang ang daddy nitong si Derek Dee na todo-suporta sa anak at sure kaming hindi na rin ito papatulan pa ng mommy niyang si Melanie Marquez dahil proven na noon pa man ang international beauty ng lahi nila.
Papunta na rin sa El Salvador si Melanie at tiyak naming babaklain lang nito ang mga kumokontra sa ganda, talino at angas ng anak.
'Yun ang sure, hahaha!!!
Kommentare