Ni Eli San Miguel @Lifestyle | Sep. 24, 2024
Naipresenta at nai-donate na ni Michelle Dee ang kanyang Miss Universe Voice for Change award sa Autism Society of the Philippines (ASP). Matapos ang mga pagkaantala, iniabot na ni Michelle ang tseke na nagkakahalaga ng P684,000 sa organisasyon.
Sa kanyang Instagram Reel, malalaman na ipinagkaloob ito sa kanilang monthly Artismo event, kung saan tampok ang mga artist na nasa autism spectrum. “A Voice For Change for the voices that matter. #Filipinas! We did it,” ani Michelle sa caption.
“It was my privilege to (finally) present the Voice For Change award to @autismphils after our nationwide upward battle to win this special award. Alam natin yan,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa aktres at beauty queen, ang pondo mula sa award ay ilalaan para sa ASP’s #AutismWorks program na naglalayong magbigay ng full-time employment o mga oportunidad para sa mga may autism. Ipinaliwanag niya rin na sumusunod ang programang ito sa 17 Sustainability Development Goals ng United Nations para sa Economic Empowerment ng mga indibidwal na nasa autism spectrum.
“At the time of my VFC presentation, we have employed and provided training to over 300+ individuals and we believe this number can grow exponentially,” ani Michelle. “With the #bayanihan spirit - anything is possible. Maraming salamat!!! LABAN LANG #deepatapos,” pagwawakas niya sa post. Nagbibigay ang Voice for Change award ng $12,000 sa bawat gold medal winner at kanilang charity.
Sa Miss Universe 2023, napanalunan ni Michelle Dee ang naturang award, kasama sina Miss Angola at Miss Puerto Rico. Noong Setyembre, binanggit niya sa Instagram na siya ay naghihintay pa rin para sa award. Matatandaang nakatuon ang Miss Universe advocacy ni Michelle sa autism awareness, at ang kanyang national costume ay nagbibigay-pugay sa kanyang dalawang kapatid na nasa autism spectrum.
Comments