top of page
Search
  • BULGAR

MICHAEL V., TUMANGGING PUMALIT SA TVJ SA EAT BULAGA!

ni Nitz Miralles @Bida | June 5, 2023



Ipinost ni Michael V. sa kanyang Facebook account ang balitang hindi niya tinanggap ang offer ng TAPE, Inc. na maging isa sa mga main hosts ng Eat… Bulaga!.


Hindi na ito nakakagulat dahil may respeto si Bitoy kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, maging sa iba pang mga co-hosts ng show na kaibigan din ng komedyante.


Kung tama ang bilang namin, 14 years ding naging host sa EB! si Bitoy at para sa kanya, hindi magandang tingnan na siya ang isa sa mga papalit sa TVJ na itinuring niya bilang kanyang mga mentors.


In fact, suportado ni Bitoy ang pakikipaglaban nina Tito Sen, Vic, Joey at ng mga Dabarkads sa TAPE, Inc.. Ipinahayag ito ng komedyante sa pamamagitan ng isang Instagram post.


“Panibagong laban. Mas malaman kesa sa Bulagaan Olympics, Juan for All, All for Juan, pang-malakasan. Not a “goodbye” but a “see you soon” lang naman. Salamat, Eat… Bulaga!... Dabarkads, magpakailanman,” post ni Bitoy.


Nakatanggap ng papuri si Bitoy mula sa mga netizens dahil sa pagtanggi nito sa offer ng TAPE, Inc.. May delicadeza at respeto raw ang komedynate na talagang dapat tularan ng iba.


Ang iba naman ay sumaludo pa kay Bitoy at good decision daw ang ginawa nito.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page