ni Nitz Miralles @Bida | May 11, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_fc7f183a62b5416c85fbe533ad8825ee~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_fc7f183a62b5416c85fbe533ad8825ee~mv2.jpg)
Hindi na kailangang sagutin ni Michael V. ang comment ng influencer na si Rendon Labador na "Masakit sa katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW!" bilang sagot sa post ni Bitoy na "The first thing any 'content creator' should understand is the meaning of the word: CONTENT."
Walang binanggit na pangalan si Bitoy, pero agad na nag-react si Rendon at tinawag ngang laos si Bitoy at kahit hindi na nga sinagot ng komedyante ang patama sa kanya ng naturang vlogger, ang mga fans naman niya ang sumagot at nag-react dito.
Marami ang sumang-ayon kay Bitoy at niresbakan si Rendon. May nagtanong nga kay Rendon kung kaya ba nito ang humor ni Bitoy? May nag-comment naman na 'wag na lang pansinin ang influencer dahil baka mas sumikat pa ito.
Hanggang ngayon ay wala pa ring sagot ang nasabing vlogger sa komento ng mga tagahanga ni Michael V. laban sa kanya, pero tiyak na sasagot din ito.
Sigurado namang hindi tatanggapin ng mga fans ni Bitoy ang sinabi ni Rendon na laos na ang komedyante, sapagkat patuloy pa ring ipinapalabas sa telebisyon ang mga sitcom na pinagbibidahan niya tulad ng Bubble Gang at Pepito Manaloto.
Comments