top of page
Search

MICHAEL V., NAGPATUTSADA SA VLOGGER NA TUMAWAG SA KANYANG LAOS NA

BULGAR

ni Ambet Nabus @Let's See | August 4, 2023




Kagaya ni Master Henyo na si Joey de Leon, classic at brilyo rin talaga ang utak ng isang Michael V. a.k.a. Bitoy.


Sa aminin man o hindi ng VTH (very trying hard) vlogger na si Rendon Labador (oh, hayan, nailagay na namin ang name mo sa aming column), apektado ito at napikon sa viral ngayong kanta ni Bitoy na Oh Wow! na tungkol sa isang taong ang daming sinasabi, pero wala namang sinabi, hahaha!


Of course, everybody knows na siya ang tinutukoy ng pamosong host-comedian-actor na may kakaibang parody sa sikat na kantang Uhaw ng Dilaw.


Pinag-uusapan ang naturang vlogger na nakiki-showbiz sa mga ganap though napuri rin ng ilan dahil sa naging panawagan nito sa MTRCB kaugnay ng Vice Ganda at Ion Perez incident sa It's Showtime.


Tapos heto at may bago pang hamon ang naturang vlogger sa mismong chief ng nasabing ahensiya dahil mga parents naman ni Chairwoman Lala Sotto (Tito Sotto at Helen Gamboa) ang inakusahan nitong may ginawang something na hindi pang-TV.


But then again, sa dami ng kiyaw-kiyaw nitong si Rendon, eh, ano nga ba ang kanyang sinabi (read: halaga o value?).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page