ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 19, 2023
Sa isang eksklusibong panayam ni Julis Babao sa kanyang YouTube channel sa pangalawang anak nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Michael Pacquiao, ibinahagi nito ang kanyang mga naranasang pambu-bully habang siya ay nag-aaral sa isang exclusive school sa General Santos City, hometown ng mga Pacquiao.
Akala raw ng kanyang mga schoolmates at kaklase na siya ay mayabang at maarte dahil sa nakaugalian nila sa bahay na pagsasalita ng English at maging sa exclusive school na kanyang pinanggalingan. Hindi alam ng marami na si Michael ay nag-aral ng elementary sa isang exclusive school sa Laguna.
"I couldn't fit in, kasi Pacquiao, eh. So, they thought inglesero lang. So, people thought na ano, na maarte ako, and then wala akong masyadong ano ru'n, eh, friends."
Tinutukso at tinatawag daw siyang pangit at maitim, malayo raw ang hitsura niya sa kanyang mga kapatid.
"I was bullied because of my appearance. I’m not guwapo. No one really wanted to talk to me, because of my name also. They were afraid.
"Most of the time in school, I would hear... make fun of me, saka they would make fun of my face, my name, saka backstab me, talk behind your back."
Ang masakit pa raw, ang gumawa sa kanya nito ay ang inakala niyang mga kaibigan.
"They were pretending to be [my] friends because 'yung name ko. People were nice to me because they just wanted something from me. Ilibre ko sila, like that. In reality, they don't really genuinely like me for who I am," ani Michael.
Nakaramdam daw siya ng malasakit at simpatya sa itinuring niyang dalawang tunay na mga kaibigan noong nasa high school siya.
"I was thankful that I had two actual friends there. They were genuinely there for me. Blessed ako ru'n. I could talk to them, they would ask me, 'Are you okay?'"
Kaya naman, ang payo ni Michael ay huwag nang papansinin ang mga nambu-bully dahil magdudulot lang ito ng away.
"If you listen, didibdibin mo siya, you'd dwell on it, you would start to believe them. They would be dictating who you are and you would lose yourself.
"You shouldn't listen to them. Have someone to talk to like relatives, friends. Cancel out the noise.
Believe you are not what they say you are. Who are they to judge you?" katwiran ni Michael.
Dahil sa mga naranasang depresyon noon, tinangka pa raw niyang magpakamatay.
Hindi raw ito alam ng kanyang mga magulang. Pero natauhan naman daw siya at hindi nga itinuloy ang balak.
Instead, sinabi niya kina Manny at Jinkee ang pinagdaraanan at kinausap siya nang masinsinan.
Itinuon daw ni Michael ang atensiyon sa fitness, tulad ng boxing at paggawa ng musika kaya unti-unti na niyang na-overcome ang depression.
Samantala, naibahagi rin ni Michael ang kalagayan ng mga magulang, si Manny na isang bilyonaro at in-acknowledge ng Forbes Magazine na isa sa mga pinakamayaman sa Pilipinas.
Aniya, "Marami raw kasi ang nag-aakalang mas magiging masaya ang buhay kung 'Kasingyaman ko si Pacquiao.'
"It's funny when people say that. They don't know talaga... just because na mayaman kami, wala nang problems, 'cause money doesn't solve all problems.
"I still have many problems personally. I'm glad I have people beside me to help me go through."
Aniya pa, "It’s not fulfilling based on my experience now. There was a time I would ask my mom or I would just buy whatever I want.
"I thought it would make me happy, make me satisfied, make me fulfilled. But it's not the case. It's not permanent."
Dagdag pa ni Michael, nagbibigay-kasiyahan daw sa kanya ang mga simpleng bagay sa mundo.
"In my experience, the most satisfying, the most enjoyable things that I've done were the most satisfying, like hang out with friends. 'Yung mga simple lang... I like food outside,"
pagtatapos ng batang Pacquiao.
Comments