ni Mary Gutierrez Almirañez | February 16, 2021
Inirekomenda ng National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Duterte na gawing modified general community quarantine (MGCQ) na ang buong Pilipinas simula ika-1 ng Marso.
Ayon sa survey, 73 % umano ng mga Pilipino ang nagsabi na dapat nang balansehin ang ekonomiya at pagkontrol sa virus.
Sakaling sumipa ang bilang ng COVID-19 sa ilang lugar ay puwede naman 'yung idaaan sa localize lockdown.
Kabilang sa mga rekomendasyon ng NEDA ay; -Dagdagan ang public transportation hanggang 70% -Dagdagan ang bike lanes -Ibalik ang provincial buses -Ibalik ulit ang pilot testing ng face-to-face classes sa low-risk areas -Payagan nang lumabas ang edad 5 hanggang 70-anyos Sa Pebrero 22 pa pag-uusapan sa cabinet meeting ang magiging desisyon ng pangulo hinggil sa mga rekomendasyong ito.
Comments