top of page
Search
BULGAR

Mga walang pakialam sa COVID-19, makonsensiya naman kayo!

@Editorial | August 30, 2021



Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng nagkaka-COVID-19, marami pa rin ang pasaway.


Talagang hindi na sila natatakot, para bang bahala na kung ano’ng mangyari sa kanila basta happy sila.


Tulad ng mga nahuli sa isang bar na sinalakay ng mga awtoridad. Sa gitna ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, may bar na bukas at naroon nagpa-party-party ang mga pasaway.


Nasa 52 na mga bisita ang natiketan dahil sa paglabag sa quarantine classification at protocol gaya ng physical distancing at iba pang health protocol.


May paglabag din ang bar dahil bawal ang dine-in at may mga patakaran pa sa curfew at pag-inom ng alak. Sasampahan naman ng kaso ang may-ari ng bar.


Malinaw na hindi nila nauunawaan ang sitwasyon. Ano ba’ng hindi malinaw sa bawal magpasaway kung ayaw mamatay o may madamay na inosente dahil sa kapabayaan?


Alam mo ‘yung todo-party now, virus later. Ang masaklap, iuuwi mo pa sa pamilya ang sakit na nakuha.


Habang marami na ang nawawalan ng pag-asa sa trabaho at kabuhayan, nariyan ang mga walang magawa sa buhay.


Talagang kailangan na ng mas matinding parusa sa mga lumalabag sa batas.


Nagkakaproblema na sa ating health sector, huwag na kayong dumagdag pa. Makonsensiya naman kayo.


Hangga’t may isang kaso ng COVID-19, wala tayong dahilan para magpabaya at magpasaway.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page