top of page
Search
BULGAR

Mga vegetarian, pasok!... langka, oks na pamalit sa karne

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | August 16, 2020




Ang langka/jackfruit.


Alam mo ba na ang langka ay ang kinikilalang largest edible fruit sa buong mundo? Oo, ito nga ang pinakamalaking bunga na kinakain at ito ay sa dahilang lumalaki ang bunga ng langka at minsan, hindi ito kasya sa isang sako ng bigas dahil karaniwang kasing-laki ng isang sako ang langka.


Sa lahat din ng prutas, langka ang iniingatan hindi dahil pipinsalain ng mga insekto o peste kaya tinatakpan. Ang ibang bunga ng halaman, lalo na sa mga gulay ay tinatakpan para hindi masira ng mga insekto.


Pero ang langka ay tinatakpan para hindi maging “takaw-mata” sa malikot ang kamay dahil nakaka-engganyo ang laki ng bunga nito at nakakatuksong pitasin kahit pag-aari ito ng iba.


Marami ring mga prutas ang minamatamis at inilalagay sa garapon o sisidlan para makain pa rin sa ibang araw at ang langka ang pinakapaboritong matamisin dahil ito rin ang pinakamabili sa lahat ng minatamis na ang sangkap ay mga prutas.


Hindi naman simpleng pagkain ang langka dahil ito rin ay nasa listahan ng mga herbal medicine at narito ang ilang bagay na kayang gaiwn ng langka:

  • Mabilis na gumagaling ang sugat kapag ang pinaghugsang ng langka ay ipinanlinis sa sugat.

  • Kaya ring patayin ng langka ang mga mikrobyo sa balat, kaya ito rin ay kinikilalang pampaganda ng kutis. Kahit ang mga black heads o maiitim na patse sa balat ay kaya nitong matanggal.

  • Nagagamit din itong mouthwash dahil napapatay nito ang mga mikrobyo sa bibig.

  • Ang langka ay kinikilala ring meat substitute o pamalit sa karne para sa mga vegetarian. Kung magluluto at ang putahe ay may tunay na karne, hinog na langka ang puwedeng ipalit sa tunay na karne at nakagugulat dahil mas masarap ang lutuin kapag ito ang ipinalit sa karne.

  • Ang pagkain ng langka ay nagpapababa ng masamang cholesterol, kaya ito ay good for the heart.

  • Kaya rin ng langka na pababain ang blood pressure.

  • Sa pagkain ng langka, ang tiyan at bituka ay lumilinis dahil kaya nitong tangayin ang mga mikrobyong nakakapit sa tiyan at bituka.

Narito naman ang nutritional facts ng langka sa bawat isang tasa o serving:

  • Calories - 157

  • Protein - 2.84 g

  • Fat - 1.06 g

  • Carbohydrates - 38.36 g

  • Dietary fiber - 2.5 g

  • Sugar - 31.48 g

  • Magnesium - 48 mg

  • Potassium - 739 mg

  • Vitamin C - 22.6 mg ng

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ang langka bilang gamot sa cancer at sa paunang resulta, lumalabas na malaki ang posibilidad na mapatay nito ang cancer cells ng iba’t ibang klase ng sakit na ito.

Good luck!

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page