top of page
Search
BULGAR

Mga usisero sa hostage taking sa Caloocan, wanted sa DILG

ni Lolet Abania | August 30, 2021



Naglabas ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na agad magsagawa ng contact tracing sa Caloocan City matapos dagsain ng mga nag-uusyoso ang naganap na hostage-taking kamakailan.


Matatandaang nitong Biyernes nang gabi, naganap ang pangho-hostage ng isang lalaki na nasa impluwensiya umano ng droga sa isang 12-anyos na batang lalaki sa C3 Road, Caloocan City .


Nasagip naman ang bata ng mga awtoridad habang nakakulong na ang suspek.


Gayunman, kitang-kita sa video na dinumog ng mga tao ang hostage-taking incident na hindi alintana ang pandemya.


Agad namang kinordon ang lugar habang sinabihan na lumayo at pinaaalis ng mga pulis ang mga tao na nasa crime scene.


Ikinabahala ito ng DILG kaya ipinag-utos ng ahensiya ang agarang contact tracing sa lugar.


"Nagkaroon ng unnecessary mass gathering kaya dapat ay tutukan ‘yan ng barangay at baka magkaroon ng transmission diyan lalo na Delta variant,” ani DILG Secretary Eduardo Año.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page