top of page
Search

Mga um-attend, shocked! JOHN, BIGLANG SUMIGAW NG “P*NYETA” SA PRESSCON

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 17, 2025




                                                                          

Ginulat ni John Arcilla ang mga dumalo sa presscon ng Lolong: Bayani ng Bayan (LBNB) nang biglang sumigaw ng “P*nye*a!” habang nagsasalita. 


Kung matatandaan, naging trademark na ng aktor ang salitang ‘yun mula nang pagbidahan ang pelikulang Heneral Luna (HL) at bigla niya itong sinabi sa presscon ng Lolong.


Kontrabida ang role ni John sa Lolong at isa siya sa mga magpapahirap kay Ruru. 

Bilang si Julio, ang kasamaan daw niya ay nasa loob at hindi makikita sa kanyang hitsura.


“Demonyo si Julio rito, guguluhin ko silang lahat. Challenge sa ‘kin na gusto kong gumawa ng bagong karakter, gusto kong haluan ng bago ang pagiging masama ni Julio. Sobra akong excited to work with Ruru again. Parang reunion namin ito after Encantadia,” wika ni John.


Ang Lolong ay mula sa direction nina Rommel Penesa at King Mark Baco. Mapapanood na ang pagka-demonyo ng karakter ni John Arcilla.


 

NAKA-SMILE si Jillian Ward nang magbigay ng reaction sa nabanggit ni Sofia Pablo sa interview ni Nelson Canlas sa 24-Oras tungkol sa kanilang feud, pero pansin ng mga netizens, medyo maanghang ang naging sagot ng young actress. Wala raw siyang time makipag-away.


Sabi ni Jillian, “Ako po kasi, again, I’m doing so much in my life, I don’t have time to fight with anyone. So, hindi ko po alam saan na… ano ‘yung narrative na ‘yun na we’re fighting.


“I’m just confused on what’s happening. I feel like what we need right now with everyone is to focus on ourselves and to be very honest with everyone around us and with ourselves,” dagdag na pahayag ni Jillian.


Sa sinabing ito ni Jillian, mukhang malabo pa silang magkaayos ni Sofia na in fairness, sinagot lang ang tanong ni Nelson. 


Sinabi rin lang ni Sofia na close sila dati ni Jillian, tapos bigla na lang hindi na at hindi na sila nag-uusap up to now. 


Tama rin ang sinabi ni Sofia na hanggang hindi sila nakakapag-usap ni Jillian, mananatiling walang closure ang conflict nila. 


Hindi na nag-elaborate si Sofia sa naging conflict nila ni Jillian at hindi ina-acknowledge ng huli na nagkaroon sila ng conflict, kaya malabo pa silang maging okay. 


Sayang dahil pareho pa namang doing okay ang kani-kanyang shows nila at maganda sana kung pagkukuwentuhan nila ang Prinsesa ng City Jail (PNCJ) ni Sofia at My Ilonggo Girl (MIG) ni Jillian ‘pag sila’y nagkita.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page