top of page
Search
BULGAR

Mga turista, maging responsable kung gustong maglakwatsa

ni Ryan Sison - @Boses | June 10, 2021



Mula nang payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga taga-NCR Plus na makapasok sa Boracay Island mula noong Hunyo 1, libu-libong turista na ang naitalang dumating sa isla.


Dahil dito, ikinatuwa ng mga lokal ang unti-unting pagbabago sa mga negosyo, ngunit para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa isla, nanawagan ang mga ito na maging tapat ang mga turista sa kanilang health condition.


Ang panawagan ay kasunod ng pagkakaaresto sa mga turistang gumamit ng pekeng RT-PCR test result upang makapasok sa isla kamakailan.


Ayon sa Department of Tourism (DOT), nagdudulot ito ng abala dahil sa halip na ma-enjoy ng mga turista ang pagbisita sa isla, kailangang i-pull out ang mga ito at isailalim sa swab testing at quarantine, kaya hinihikayat ng ahensiya ang lahat na sumunod sa mga lehitimong requirement.


Sa totoo lang, maraming gustong mamasyal at maglibang habang may pandemya, pero kaakibat nito ang responsibilidad na sumunod sa lahat ng ipinatutupad na health protocols at iwasang mameke ng mga kinakailangang dokumento.


Ang nangyayari kasi, puro sarili na lang ang iniisip ng ilan nating kababayan, kaya ang ending, nagdudulot ito ng pangamba sa mga negosyong nagsisimulang bumangon mula sa pagkalugi.


Sa panahon ng pandemya, ikonsidera natin ang bawat isa. Maliit o malaki man, ang lahat ng ating ginagawa ay mayroong epekto sa ating kapwa.


Kaya pakiusap sa lahat — turista man o hindi — maging responsable tayo sa lahat ng ating ginagawa at gagawin dahil hindi lamang ito para sa ating sarili kundi maging sa ating mga kababayan.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page