top of page
Search
BULGAR

Mga toxins sa katawan, kayang tanggalin ng Camellia Plant

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | October 16, 2020




Ang Camellia plant.


Noong hindi pa gaanong kilala ang Camellia bilang herbal medicine, ito ay tumutubo na kahit saang lugar at ang mga bakanteng lupain na walang anumang nakatubo ay makikitang nasasakop ng napakaraming Camellia kapag naglabasan na ang mga ito.


Parang dito sa atin, ang mga bakanteng lupa, bukas-makalawa ay may Camellia na pala. ‘Yun nga lang, subdivision at hindi Camellia na halamang gamot. Nakagugulat din dahil kapag nagamit ang salitang Camellia, parang may hiwaga na nagkakaroon ng pag-unlad o pagdami.


Sa kasaysayan ng Camellia ay ganundin ang nangyari. Nang madiskubre ang power to heal ng halamang ito, ang bansang Japan ay natagpuang punumpuno ng Camellia.


Sa China naman, ang Camellia ay may malalim na kahulugan. Ang kanilang paniniwala ay inilalarawan ng Camellia ang “union” between two lovers. Ang mga delicate petals ay nirerepresenta ng babae at ang calyx o tangkay ng petals ay simbolo naman ng lalaki na nagbibigay ng proteksiyon sa mga talulot o petals.


Silang dalawa ay magkasama kahit namatay at parang more than just a true love. Sa pangkaraniwang bulaklak, kapag nawala na ang mga petals, ang kanyang tangkay ay naroon pa rin. Pero sa maniwala ka o hindi, ang Camellia, kapag nawala o nalanta ang mga petals, mawawala o malalanta na rin ang kanyang tangkay.


Kaya ang Camellia ay sinasabing naglalarawan ng eternal love o long-lasting devotion of the lovers.


Kaya ang Camellia ay love na love sa mga bansang oriental dahil sila ay sinasabing very romantic kung ikukumpara sa iba pang lugar sa mundo.


Sa larangan ng herbal medicine, lalo mong mamahalin ang Camellia dahil sa kakayahan niyang malunasan ang ilang mga problemang pangkalusugan.

  1. Ang Camellia tea ay panlinis ng digestive system, kayang-kaya nitong alisin ang mga hindi kanais-nais na bagay o toxins na naipon sa katawan.

  2. Nagpapalakas din ng respiratory system ang Camellia, kaya ang mga taong mahihina ang baga o may sakit sa baga ay pinaiinom ng katas ng dahon at bulaklak.

  3. Malaki rin ang naitutulong ng Camellia sa mga may malalang rayuma kung saan kahit uminom ng gamot ay masakit pa rin, pero kapag uminon mga Camellia tea, nawawala ang sakit na dulot ng rayuma.

  4. Kayang-kaya ng Camellia na labanan ang bad cholesterol sa katawan.

  5. Nakatutulong din ang Camellia para lumakas ang puso.

  6. Ang regular na pag-inom ng Camellia tea ay nagpapaganda ng metabolismo ng katawan.

DAGDAG-KAALAMAN: Ang Camellia tea ay iniinom ng mga mag-e-exam dahil ito ay pinaniniwalaang pampatalino, pampaganda ng memorya at pampatalas ng utak.

Good luck!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page