top of page
Search
BULGAR

Mga titser at taga-DepEd, next na sa bakuna

ni Lolet Abania | May 20, 2021




Maaari nang magparehistro para sa pagbabakuna kontra-COVID-19 ang lahat ng mga manggagawa sa larangan ng edukasyon, kahit na hindi sila nasa vaccination priority list gaya ng mga senior citizens o may comorbidities sa pamamagitan ng kanilang local government units (LGUs), ayon sa Department of Education (DepEd).


“'Yung teachers and education personnel, even if without comorbidities or not seniors, can already register sa LGUs, kasi kasunod na sila as A4 priority [group],” ani DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla sa isang interview.


“Pero depende pa rin sa volume of vaccines sa LGUs,” dagdag ni Sevilla.


Hinimok naman ng mga opisyal ang mga education workers na magpabakuna na laban sa COVID-19, kung saan paniwala nilang ito ang daan para mas maging ligtas sa muling pagbubukas ng mga eskuwelahan.


Ilang mga grupo na rin ang nanawagan para sa muling pagbubukas ng mga paaralan dahil ang mga guro, magulang at estudyante ay patuloy na nahihirapan sa ipinatutupad na distance learning.


Nitong linggo lamang, maraming mga empleyado ng tatlong higher education institutions sa Metro Manila ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng COVID-19 vaccines na tinawag na “symbolic vaccinations” bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng 1st National Higher Education Day.


Ayon naman kay Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., sisimulan na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga A4 group matapos ang Mayo o kapag tuluy-tuloy na ang supply ng mga vaccines.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page