top of page
Search
BULGAR

Mga tips sa mga bakasyonista ngayong summer

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | April 01, 2023



Summer na talaga dahil feel na feel na nating lahat ang init sa umaga pa lang hanggang gabi ay talagang maalinsangan.


At ngayong summer vacation, ang pinakaunang maluwag-luwag nang restriksyon ng pandemya kaya inaasahang 1.2 million na mga pasahero o biyahero ang daragsa sa NAIA para lumipad patungo sa kani-kanilang destinasyon na out of town o international vacay.


‘Yung iba naman na limited budget, eh, pihadong kani-kanya nang booking sa iba’t ibang pinakamalapit na resort dito sa Metro Manila o karatig-probinsya. Sa mga walang datung, eh nagkakasya na sa mga inflated swimming pool ang ating mga kababayan dahil talaga namang sobrang init ngayon!


Speaking of super init na panahon, well mga friendship, magpapaka-nanay na naman ang peg ko ngayon sa mga bakasyunista, IMEEsolusyon ng inyong lingkod sa mga magbabakasyon, palaging magbitbit ng tubig o mag-hydrate para hindi manghina at hindi tamaan ng heatstroke.


IMEEsolusyon din ang pagdadala at pagkain ng mga matutubig na prutas para mapanatiling hydrated tayo gaya ng pakwan na ating paborito, gayundin ng melon, hay kaysasarap!


IMEEsolusyon din na magdamit ng light ang kulay dahil hindi ito nag-aabsorb ng init at kailangan ding maluluwag ang suot para komportable sa mga biyahe at mga outing, magpayong o magsuot ng sumbrero.


IMEEsolusyon pa rin na magdala ng first aid kit na may gamot sa sipon, pananakit ng ulo, mga pagkahilo o pagsusuka para sureball na ready tayo, saanman tayo mapadpad na probinsya.


IMEEsolusyon din, eh, mag-ingat kayo sa mga summer diseases, magdala ng mga sunscreen para maprotektahan sa tindi ng sikat ng araw. ‘Yung mga may comorbidity na may hypertension, hikain hinay-hinay sa pagbibilad sa araw, magdala at uminom ng gamot pang-maintenance.


IMEEsolusyon din na ‘wag masyadong maging kampante, dahil COVID-19 is still around, ingat pa rin at magsuot ng facemask, lalo na ‘yung ating mga senior citizen na sakitin para sa inyong proteksyon.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page