ni Joy Repol-Asis | March 29, 2023
Nasa Ukraine na ang unang batch ng mga tangke mula sa United Kingdom at ibang mga Western-made armored vehicles.
Ayon kay Ukraine Defense Minister Oleksii Reznikov, dumating ang bagong dagdag na armored units tulad ng Challengers (main battle tanks) mula sa United Kingdom, Strykers (infantry fighting vehicles) at Cougars (infantry mobility vehicles from the mine-resistant ambush-protected family) mula sa United States, at Marders (infantry fighting vehicles) mula sa Germany.
Nagbigay din ang Germany ng Leopard 2 na tangkeng pandigma sa Ukraine.
Samantala, hinihintay pa ng Ukraine ang donasyon din ng US na mga M1 Abrams tanks.
Naniniwala ang Ukraine na dahil sa mga tangke ay kaya na nilang mapatalsik ang Russia na sumakop sa kanila.
Commentaires