top of page
Search
BULGAR

Mga talo sa sugal, kaya nade-depressed… NADINE, ADVOCACY ANG MENTAL HEALTH PERO NAG-PROMOTE NG ONLINE GAMBLING

ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 20, 2024





Inalmahan ng mga fans ni Nadine Lustre ang pagko-call-out sa aktres dahil sa pagpo-promote nito ng online gambling na BigWin29. 


Tanong ng mga fans, bakit si Nadine lang ang na-call-out, eh, endorser din daw ng online gambling na Bingo Plus sina Maine Mendoza at Piolo Pascual?


Pati nga si Alden Richards na nag-guest sa Bingo Plus, dapat ding i-call-out. 

Nang mag-guest nga si Julie Anne San Jose sa Bingo Plus event, nakaranas din ang singer-actress ng bashing. Nagtatrabaho lang naman daw ang mga nabanggit kabilang si Nadine.


May mga nag-comment na na-disappoint sila kay Nadine dahil advocate siya ng mental health, tapos magpo-promote ng gambling na malaking factor sa depression (kapag natatalo nang milyones) ng manlalaro. Nakakasira rin daw ng pamilya ang gambling.

May magandang message ang fan ni Nadine sa kapwa niya fans na na-disappoint sa aktres.


Sey ng isang fan, “Nadine Lustre has been part of multiple advocacies including Animal Rights, Environmental Protection, Sustainability, Mental Health, Good Governance, Gender Equality and Women Empowerment.


"She is loved by many. Most people looked up to her. She has been called the “President.” I know one thing for sure, we can feel disappointment but I cannot hate this woman.”


Samantala, ngayong gabi na ang grand launch ng Uninvited, ang MMFF entry ng Mentorque at Project 8 Projects. Siguradong matatanong si Nadine Lustre tungkol sa controversial endorsement niya, pakinggan natin ang kanyang sasabihin.


 

NAKAUSAP namin ang sexy star na si Sahara Bernales na lead star ng Maryang Palad (MP) kasama sina Vince Rillon, Jem Milton at Mark Dionisio. Si Rodante Y. Pajemna, Jr. ang director nito.


Si Sahara ay ¼ Aeta, pero hindi isyu sa mga Aeta na nagpapaseksi siya sa movie. Nagtatrabaho lang naman ito for her family. Nagkataon lang na for Vivamax ang mga ginagawa niyang pelikula, pero malay natin, dumating ang araw na mag-crossover siya sa Viva Films at kapag nangyari ‘yun, hindi lang ang pamilya niya ang matutuwa.


And speaking of her family, ang parents niya ang rason kung bakit hindi siya gagawa ng eksena na magpapakita ng kanyang nipples o kaya’y pinakapribadong parte ng kanyang katawan. 


“Baka kasi mapanood nina Mama at Papa,” sabi nito.


May pasabog pala si Sahara sa interview sa kanya at ito ay ang pag-amin niyang dating transwoman ang kanyang ama. In fact, owner ito ng beauty parlor at nakadikit sa parlor ang malalaking photos ni Sahara, patunay na proud sa kanya ang ama.


Kaswal na sinabi ni Sahara, “Ang papa ko, dating transgender woman. Lalakero s’ya dati, babaeng-babae s’ya dati at sumasali sa mga pageant. Ikinukuwento niya na nagpapa-table pa raw s’ya sa mga lalaki kasi kinesa siya, maputi, mahaba ang hair n’ya. Talagang babae ang hitsura niya, tisay-tisay s’ya.”


Kuwento pa ni Sahara, ang ama niya ang nagturo sa kanya na rumampa sa mga pageant at ito rin ang nagme-makeup dati sa kanya. Na-brokenhearted daw ang ama, kaya siguro nagpaka-lalaki. Tatlong babae raw ang nakarelasyon ng ama, sa nanay niya ito kasal at walo silang magkakapatid.


Naaliw kami sa kuwento ni Sahara na minsan, nagbibihis-babae ang ama niya.

“‘Pag nasa bahay, lagi siyang nagsusuot ng p*kp*k shorts at sando. Never ko s’yang ikinahiya. Proud s’ya na artista ako,” kuwento pa ni Sahara.


 

EXCITED na si Ruru Madrid sa Book 2 ng Lolong. Kung siya lang siguro ang masusunod, gusto nitong magsimula na silang mag-taping at airing na agad. Kaya lang, sa 2025 pa ang airing nito, kaya magte-training muna ang aktor at ang ibang cast ng series.


“Hindi na ako makapaghintay na gawin ulit ‘to. Sabi ko nga, ito na ‘yung programang nagpabago sa ‘king buhay at talagang minahal ko nang sobra. You know, para balikan ang isang bagay na ‘yun, napakasarap sa puso,” sabi nito sa interview sa 24-Oras.


Bago ang taping, muling nag-training ng martial arts si Ruru kasama ang mga co-stars sa series na sina Paul Salas at Martin del Rosario. Kasama rin sa training nila ang paggamit ng iba’t ibang armas gaya ng arnis, baston, palakol at punyal.


“Gusto kong maipagmalaki ang sariling atin dito sa Lolong at you know, to give inspiration din to the younger generation,” ayon pa kay Ruru.


Bago ang Lolong, abangan sina Ruru at Dennis Trillo sa Green Bones (GB), ang MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa direction ni Zig Dulay.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page