top of page
Search
BULGAR

Mga tagasuporta ni Trump, nag-rally sa US Capitol vs. Biden

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 7, 2021




Nagtipun-tipon at nagsagawa ng kilos-protesta sa US Capitol ang mga tagasuporta ni US President Donald Trump noong Miyerkules kaugnay ng pagkapanalo ni President-elect Joe Biden noong November, 2020 elections.


Nanawagan si Trump sa kanyang mga supporters na panatilihing payapa ang naturang kilos-protesta at aniya, "Please support our capitol police and law enforcement. They are truly on the side of our country. Stay peaceful!"


Samantala, naging bayolente ang pagra-rally ng mga tagasuporta ni Trump matapos sirain ng mga ito ang barricades at nakipag-engkuwentro sa mga pulis kaya napilitang gumamit ng tear gas ang mga ito. Muli namang nag-post si Trump sa Twitter dahil sa insidente at aniya, "I am asking for everyone at the US capitol to remain peaceful. No violence! "Remember, WE are the Party of Law & Order — respect the law and our great men and women in blue."


Pansamantala namang inihinto ng House of Representatives at Senate ang pagsesertipika kay Biden dahil sa naturang gulo.


Samantala, nagpahayag ng pagkadismaya ang mga leaders ng iba’t ibang bansa dahil sa bayolenteng pagpoprotesta ng mga tagasuporta ni Trump.


Pahayag ni Swedish Prime Minister Stefan Lofven, ang insidente ay maituturing na "an attack on democracy". Aniya, "President Trump and many members of Congress bear significant responsibility for what's now taking place. The democratic process of electing a president must be respected."


Panawagan naman ni German Foreign Minister Heiko Maas, dapat tanggapin ng mga tagasuporta ni Trump ang naging resulta ng eleksiyon. Aniya, "Trump and his supporters must accept the decision of American voters at last and stop trampling on democracy."


Saad naman ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez, "I am following with concern the news that are coming from Capitol Hill in Washington. I trust in the strength of America's democracy. "The new presidency of @JoeBiden will overcome this time of tension, uniting the American people."


Maging si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay nabahala rin sa insidente at aniya, "Obviously, we're concerned and we're following the situation minute by minute. "I think the American democratic institutions are strong, and hopefully everything will return to normal shortly."


Maging sina Finnish Prime Minister Sanna Marin, French Foreign Minister Jean-Yves Le Drian, Chairman of EU Leaders Charles Michel, European Commission President Ursula von der Leyen, at Venezuelan Foreign Minister Jorge Arreaza ay nagpahayag din ng kani-kanyang saloobin sa insidente at iisa ang panawagan — ang tanggapin ang resulta ng boto ng mga mamamayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page