ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 6, 2024
Dear Maestro,
Nais kong malaman ang aking kapalaran. Kaya naman naisipan kong sumangguni sa inyo para itanong kung may pag-asa pa kaya akong umasenso sa buhay at makapag-asawa? 28-ayos na ako ngayon, at ang birthday ko ay April 14, 1996.
Umaasa,
Mayette ng Culis, Hermosa, Bataan
Dear Mayette,
Bakit naman naisipan mong ‘di ka aasenso sa buhay? Alam mo bang nabibilang ka sa tinatawag na Taong Singko? Ibig sabihin, 5 ang birth date mo, (dahil ang 14 ay 1+4=5), kaya naman ikaw ay tinatawag na Taong Singko na may destiny number na 7 (4+14+1996=2014/ 20+14=34/ 3+4=7) sa zodiac sign na Aries.
Sa ngayon, nananaig lamang sa iyong buhay ang destiny number mong 7, kaya ka pinanghihinaan ng loob na baka hindi ka umasenso at hindi ka makapag-asawa.
Ang sikreto para umasenso at makapag-asawa ka ay kumilos ka nang kumilos, at panaigin mo sa buhay mo ang birth date mong 14 o 5 at ang zodiac sign mong Aries. Ibig sabihin, hindi pupuwedeng wala kang ginagawa. Sapagkat kapag marami kang ginagawa, tiyak ang magaganap, kusa kang magtatagumpay, uunlad, at makakapag-asawa hanggang tuluyan kang lumigaya.
Huwag ka ring mag-alala, dahil may sikreto ang pagyaman na kapag natuklasan mo ang paraan, tulad nga sa birth date mong 5, doon ka magiging maligaya at habambuhay na magtatagumpay.
Sa kagaya mo na may birth date na 5, huwag kang pumirmi sa bahay, bagkus kumilos ka lang nang kumilos. Puwede ka namang maglalakad-lakad, o pumunta sa iba’t ibang lugar. Pero, kung nasa bahay ka lang, dapat may kinakalikot at ginagawa ka.
Kapag nasunod mo ang simpleng rekomendasyong nabanggit, ‘yun bang palagi kang busy, at palagi kang on the go! Makikita mo, kahit hindi ka magtrabaho, kusang lalapit sa iyo ang suwerte, dahil ibinigay mo o ginagawa mo ang pinapagawa sa iyo ng iyong unconscious self mo.
Tulad ng nasabi na at sasabihin ko na naman uli, dahil makulit talaga si Maestro Honorio Ong ay ‘yun nga, dapat palagi kang may pinagkakaabalakusanghan.
Kaya kahit na nasa bahay ka lang, kumilos ka nang kumilos, gumawa nang gumawa, maglakad nang maglakad, magkalikot ng kung anu-ano’ng bagay, maghugas ng pinggan, magwalis, mag-ayos ng bahay, magluto, at magtanim.
Kapag ganito ang ginawa mo, ‘yun bang walang kapagurang pagkilos, tiyak na kusang darating sa iyo ang maraming suwerte hatid ng iyong kapalaran, hindi lang sa career kundi maging sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Ayon sa Decadens ng Kapalaran, magsisimulang mangyari at matutupad ito sa susunod na taong 2025, hanggang 2026 sa edad mong 29 pataas, – magkaka-boyfriend ka na, gaganda na ang iyong career, at makakapag-asawa ka pa.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Commentaires