top of page
Search
BULGAR

Mga siklista, sugatan sa ilegal na bike race


ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 21, 2021



Sugatan ang ilang siklista matapos magkabanggaan sa isinagawang ilegal na bicycle race sa Olongapo City.


Sa ipinost na video ni Olongapo City Vice-Mayor Aquilino "Jong" Cortez, Jr. sa Facebook, makikitang nagkabanggaan ang mga siklista at sumemplang ang mga ito nang sinubukan nilang mag-overtake sa isang truck.


Saad pa ni Cortez, “Ito ang dahilan na malamang paghihigpitan ang mga bikers na pumasok sa Subic Bay Freeport Zone dahil sa illegal at delikadong gawain.”


Hindi malinaw kung ilan ang mga siklistang sugatan sa insidente ngunit ayon kay Cortez, kabilang dito ang isang 14-anyos na babae.


Saad pa ni Cortez, “Makikita sa video ang delikadong pagba-bike ng grupo na ito kahit kasabay ang malaking truck. Ang mga nanonood naman ay nagtsi-cheer pa. Sabi raw, training. Para saang kompetisyon?”


Aniya pa, “Imagine kung napunta sa ilalim ng truck ‘yung mga riders at nagulungan?”


Ayon sa lokal na pamahalaan, nangyari ang naturang ilegal na race noong Sabado at malinaw na nalabag umano ang mga ipinatutupad na health protocols.


Dahil sa insidente, ipinasara ang San Bernardino Road sa Subic Bay Freeport Zone at kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa naturang ilegal na racing.


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page