top of page
Search

Mga signs sa palad na magsasabing bading ang BF

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| January 8, 2021




KATANUNGAN


  1. May boyfriend ako, kaya lang, napansin ko sa guhit ng palad niya na maraming bilog ang Heart Line at may isa ring bilog sa Head Line. Ano ang ibig sabihin ng mga guhit na ito?

  2. Sa ngayon, hindi pa naman ako gaanong seryoso sa relasyon namin. Sa palagay n’yo, compatible ba kami at ano ang kahihinatnan ng relasyon namin — magpapatuloy ba ito o maghihiwalay din kami balang-araw?


KASAGUTAN


  1. Clarissa, siguradong kapag ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng isang lalaki ay maraming bilog o mala-kadenang Heart Line (arrow a.), ito ay tanda na ang nasabing lalaki ay sobrang maramdamin, may pusong babae, pagka-bakla o may pagkabading. Sa Medical Palmistry, ang mala-kadenang bilog sa Heart Line (h-h arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ay indikasyon din ng pagiging mahina ng kanyang kalusugan o tendency ng pagiging sakitin.

  2. Hindi mo naman ito agad mahahalata, sa halip, kailangang kumpirmahin ito ng dalawa pang palatandaan sa palad, na ang una ay ang bilog o island sa Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanang palad, at ang pangalawang kumpirmasyon kung may pagkabakla nga ang nasabing lalaki ay nagdodoble ang Venus Line (Drawing A. at B. V-V arrow c.) sa kaliwa at kanang palad.

  3. Kung presente sa boyfriend mo ang nasabing tatlong mahahalagang palatandaan, tiyak ang tendency na may pagka-bading nga siya. Bagama’t naitatago pa niya ito ngayon, sa bandang huli, kapag matagal na kayong magkakilala, mapapansin mo rin ang kanyang pagiging pusong babae tulad ng pagpilantik ng kanyang mga daliri at pagiging sobrang dakdak o makuwento. Kumbaga, kahit hindi mo na siya tinatanong o kinakausap, hanggang sa bandang huli ay matuklasan mong bukod sa iyo ay may lihim din pala siyang pagtingin sa mga guwapo at maskuladong kapwa niya mga lalaki.


DAPAT GAWIN


Habang, ayon sa iyong datos, Clarissa, ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing hindi pa magaganap ang seryoso at lehitimong relasyon sa kasalukuyan. Sa halip, ang unang magiging boyfriend mong totoo, seryoso at pangmatagalan ang siya nang nakatakda mong mapangasawa at makasama habambuhay ay nakatakdang mangyari, dumating at maganap sa susunod pang taong 2022, sa buwan ng Abril at sa edad mong 24 pataas.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page