ni Julie Bonifacio - @Winner | September 8, 2022
Maaga pa lang ay nakatanggap na kami ng report na nagkaroon ng sunog sa ABS-CBN compound last Tuesday.
May nag-send pa sa amin ng video na kuha mula sa loob ng dating ABS-CBN building kung saan nandoon ang radio booth ng DZMM at FM station ng Kapamilya Network habang may naglalabasan na empleyado at lumalabas na usok.
Napatay din naman daw ang apoy pagkatapos ng tatlong oras at wala ring nasugatan or casualty.
Ayon sa report, may na-detect daw na usok sa third floor ng main building around 7 AM pagkatapos na may pumutok at nasunog na electrical outlet sa Knowledge Channel.
Malaking tulong daw ang sprinkles sa loob ng building sa ‘di pagkalat ng apoy.
By 10:30 AM ay bumalik din agad sa ere ang mga naputol na live programs.
Humingi ng paumanhin ang ABS-CBN News anchor na si Jeff Canoy sa pagkakatigil sa ere ng morning show nila na Sakto with Amy Perez. Kinailangan daw kasi nilang mag-evacuate after tumunog ang smoke alarm.
Tweet ni Jeff, “Sorry, guys, we had to cut our morning news show earlier. Had to evacuate after smoke alarms went off at the ABS-CBN main building.”
Ipinost din ni Jeff sa Twitter account niya ang video ng radio show nila ni T'yang Amy kung saan mapapanood ang reaksiyon ng It’s Showtime host habang tumutunog ang alarm.
Caption ni Jeff sa video ni Amy, “Here’s T'yang Amy trying to get through a news item before we had to evacuate. Fighting!”
“Ano ba ‘yung alarm na naririnig natin?” say ni Amy.
Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin si Amy sa kanyang inire-report sa show. Dahil d’yan, humanga ang mga netizens sa TV host.
“Amy Perez being a professional. Grabe lang. I hope you’re all ok.”
“Nakakabilib na itinawid pa ang broadcast. Jusko, iba kayo d'yan."
“This is why I love this woman! Glad to know you’re all safe!”
Samantala, nagpasalamat si Jeff sa lahat ng nagpakita ng concern and prayers, as well para sa kanilang safety.
“Thanks for the kind messages. We’re all okay. And heading back to work,” tweet pa ni Jeff.
Comments