top of page
Search

Mga senyales ng sakit sa atay, alamin!

BULGAR

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | December 10, 2020




Dear Doc. Shane,


Dati akong malakas uminom pero tumigil na ako sa pag-inom dahil sa mga kakaibang nararamdaman ko sa katawan na sana ay wala itong epekto sa aking atay. Maaari ba ninyong talakayin ang mga posibleng senyales na may sakit sa atay ang tao? – James


Sagot


Ang atay ang pangalawa sa pinakamalaking organ sa katawan at ito ay responsable sa ilang mahahalaga at komplikadong paggana sa katawan kabilang na ang pag-aalis ng mga lason sa katawan, pagkokontrol sa lebel ng kolesterol sa katawan, paglalabas ng mga likido na makatutulong sa pagtunaw ng pagkain at paglaban sa mga impeksiyon at sakit. Kung wala ang atay, tiyak na manghihina ang katawan.


Narito ang ilang senyales ng pagkakaroon ng problema sa atay:

  • Paninilaw ng balat at mga mata

  • Pananakit ng tiyan

  • Paglaki ng tiyan

  • Pamamanas ng mga paa at binti

  • Pag-ihi na kulay tsaa

  • Maputlang pagdumi o may kasamang dugo

  • Pagliliyo at pagsusuka

  • Kawalan ng gana sa pagkain

  • Madaling pagpapasa sa balat

  • Madaling pagkapagod


Ang mabilis na pagkapagod ay maaaring senyales din ng pagkakaroon ng kondisyon sa atay. Ang maaaring dahilan nito ay ang paghina ng atay at pagpalya nito sa pag-aalis ng mga nakalalasong substansiya sa dugo. Ang presensiya ng mga hindi kanais-nais na substansiya ang siyang nagdudulot ng mabilis na pagkapagod.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page