ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 21, 2024
Iniutos ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang mabilisang pagbubukas ng mga nakasara nang National Food Authority (NFA) warehouse, ayon sa ahensya ngayong Huwebes.
Ayon sa DA, 99 na mga bodega ng NFA ang nakasara pa rin matapos na suspindehin ng Ombudsman ang mahigit sa 100 opisyal at kawani ng NFA dahil sa umano'y pagbebenta ng mga buffer stock ng bigas sa pribadong mga mangangalakal.
“We will ensure that all padlocked warehouses will be opened soonest to optimize the impact of NFA’s procurement activities on rice farmers’ income as well as secure the maximum volume of palay for buffer stocking,” pahayag ni Laurel.
Itinalaga ng DA ang otoridad sa 99 mga bodega ng NFA sa mga assistants ng mga suspendidong operators.
Kamakailan lamang, binawi ng Ombudsman ang suspensyon ng 23 kawani ng NFA.
Comments