top of page
Search
  • BULGAR

Mga sangkot sa PDAF scam, absuwelto, lalong magkakalakas-loob ang pork barrel politicians sa kaban ng bayan

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 5, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

LALONG MAGKAKALAKAS-LOOB ANG MGA PORK BARREL POLITICIAN SA KABAN NG BAYAN, KASI INABSUWELTO NAMAN NG SANDIGANBAYAN ANG MGA SANGKOT SA PDAF SCAM -- Inabsuwelto na ng Sandiganbayan sa kasong plunder na may kaugnayan sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam si Presidential Legal Counsel, ex-Sen. Juan Ponce Enrile, dating chief of staff nito na si Gigi Reyes at ang pork barrel queen na si Janet Napoles.


Dahil diyan, asahan nang lalong magkakalakas-loob ang mga pork barrel politician sa kaban ng bayan, kasi nga kapag sila ay nakasuhan ng plunder, iaabsuwelto naman sila ng Sandiganbayan, period!


XXX


PANG-GUINNESS WORLD RECORDS ANG MGA BOBOTANTE SA ‘PINAS -- Sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas ay sa darating na May 2025 midterm election ang may pinakamaraming magkakapamilyang kakandidato. May mag-asawa, mag-iina, may mag-aama, magkakapatid ang sabayang magsisipagkandidato.


Kapag ang magkakapamilyang iyan ay mga nagsipanalo sa eleksyon, puwede nang mailagay sa Guinness World Records ang ‘Pinas na may pinakamaraming bobotanteng Pinoy, boom!


XXX


SURVEY FIRMS, MISTULANG CAMPAIGN MANAGER O PRO NG MGA POLITICAL DYNASTIES -- Sa mga inilalabas na resulta ng kanilang survey, ang karamihan sa mga kandidato sa pagka-senador na isinasama ng SWS, OCTA, Pulse Asia at Publicus ay mula sa angkan ng mga pulitiko o political dynasty.


Dahil diyan ay lumalabas na ang mga survey firms na ito ay mistulang mga campaign manager o public relation officer (PRO) ng political dynasties, mga pwe!

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page