top of page
Search
BULGAR

Mga sabit sa malawakang rice smuggling, kalusin na!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon |December 10, 2021



Sa wakas, tuloy na ang puspusang imbestigasyong isasagawa ng Senado sa Dec. 14 tungkol sa smuggling ng mga produktong pang-agrikultura sa ating bansa. Aba, last year pa natin paulit-ulit na inihihirit ang pagbusisi na ‘yan, ha?


Nakakaloka, sagad-sagaran na ang dinaranas na paghihirap ng ating mga magsasaka! Bago pa man magkaroon ng pandemya, nadale na sila ng mga bagyo at iba pang sakuna. Ang pinakamatindi, aminin man o hindi ay may ilang kapabayaan sa sektor ng pagsasaka.


Eh, ‘di ba nga noong October 19 last year, naghain tayo ng dalawang panukala? Una, ‘yung Senate Resolution 549 at ikalawa ay ‘yung Senate Resolution no. 704 para ipanawagan na agad nang busisiin ang garapalang paglabag at kabiguan ng Department of Agriculture at Department of Health sa pagpapatupad ng ‘Food Safety Act’.


Pero, waley! Kaya nakapasok tuloy ang mapanganib at kontaminadong karne sa ‘Pinas.


Juicekolord! Malala na ang rice smuggling, nakukompetensiya pa ang ani ng ating mga magsasaka ng mga walang kontrol na importasyon ng bigas! Ano bah?!


Bilang nag-iisang senador na kinatawan ng ‘vegetable belt’ ng Northern Luzon, feel natin ang dinaranas na dagok at sagad na pasakit sa ating mga magsasaka, partikular na ang walang tigil, hindi mapigil o hindi makontrol na importasyon ng lahat ng mga produktong pang-agrikultura sa kasagsagan ng anihan! Hello! Tama ba ‘yan?!


So, ganern na lang bah?! Remember, nabuking na nga sa pagdinig ng Committee on Agriculture ni Manang Senator Cynthia Villar at iba pang senador ang garapalang pananabotahe sa ating ekonomiya ng rice smuggling na ‘yan. Kahit isa wala man lang naparusahan o napanagot!


Batid natin ang kasunduan at responsibilidad ng Pilipinas sa World Trade Organization para sa importasyon. Pero para hindi madehado ng husto ang ating mga magsasaka, ang IMEEsolusyon d’yan ay huwag nating isuko ang karapatan ng Pilipinas na kontrolin ang ating merkado!


Dapat mapanindigan ng kinauukulan at nating lahat ang ating responsibilidad sa mga magsasakang Pilipino! Take note, kapag tuluyang tinabla at binalewala lang ang ating mga magsasaka, paano kung biglang maghigpit ang mga bansang inaangkatan natin at wala tayong sapat na inaani? Aber?


IMEEsolusyon din natin na para matigil na ang pananamantala sa importasyon ng bigas, gulay, prutas at karne, sampulan ang mga mapatutunayang may pagkakasala, ‘di bah?!


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page