top of page
Search
BULGAR

Mga retiradong heneral, 'di bawal sa kampo — AFP-PNP

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 15, 2023




Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), sinabi nitong Lunes ang mga ulat na ipinagbabawal ang mga retiradong heneral ng pulisya at militar sa mga kampo dahil sa sinasabing plano ng destabilisasyon.


Nagpahayag si AFP spokesperson Lieutenant Colonel Francel Margareth Padilla, na ang pagharang ng mga gwardiya sa kung sinumang papasok sa kampo ay parte ng kanilang standard operating procedures.


Saad niya, “There is no veracity to that issue. We welcome the presence, of course, of our comrades in arms. Kasama namin dati 'yan and we know their backgrounds. They have been with us all along.”


Pinabulaanan naman ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang kumakalat na bawal pumasok ang mga dating heneral sa mga kampo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page