ni Madel Moratillo @News | August 12, 2023
Nanganganib na makaltasan ang pondo ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa 2024 kasunod ng umano'y nagpapatuloy na korupsiyon sa loob ng New Bilibid Prison.
Para sa 2024, P7.2 bilyon ang hirit na pondo ng BuCor, mas mataas sa P6.1B pondo para sa taong ito.
Sa ginawang pagdinig ng Kamara, nagisa nang husto ang mga opisyal ng BuCor kung bakit nakakapamuhay pa rin ng marangya ang ibang preso kahit nakabilanggo. Ang iba, may access sa cellphone at internet.
Ayon kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante, chairman ng human rights committee at miyembro ng house public order panel, kung hindi lang dahil sa mga persons deprived of liberty, isusulong niya na gawing piso ang pondo ng BuCor sa 2024.
Sa labis na pagkadismaya, hinamon ni Abante na bumaba sa pwesto si BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr. dahil sa kabiguang mareporma ang Bilibid.
Sagot ni Catapang, handa siyang mag-resign… Pero hindi ngayon dahil mayrooon siyang duty.
Humingi siya ng dagdag pang panahon sa mga mambabatas dahil minana lang umano niya ang mga problemang ito.
Comentários