ni Zel Fernandez | May 3, 2022
Tiniyak ng National Electrification Administration (NEA) na hindi umano magkakaaberya ang suplay ng kuryente sa mga polling precincts sa gaganaping eleksiyon sa darating na Mayo 9.
Pagbabahagi ng NEA, ongoing ang isinasagawang pag-iinspeksiyon ng mga electric cooperatives sa mga silid-aralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa na gagamitin bilang presinto ngayong nalalapit na 2022 elections.
Paniniguro ng NEA, ginagawa nito ang lahat upang maiwasan ang brownout o ang pagkakaroon ng power outage sa kasagsagan ng halalan sa bansa.
Gayundin, mayroon na umanong mga nakalatag na plano ang mga electric cooperatives bilang tugon sa hindi inaasahang emergency power interruption sa kalagitnaan ng isasagawang botohan.
Ang pahayag ng NEA ay bilang tugon sa pagkabahala ng mga botante na posible umanong gamiting daan sa pandaraya ngayong eleksiyon ang pagkawala ng kuryente sa panahon ng halalan sa bansa.
Comments