ire-require pa maglagay ng barrier sa motor para maangkas ang asawa, nakakalokah!!!
ni Imee Marcos - @Buking | July 27, 2020
Matapos payagan noong July 10 ng Inter-Agency Task Force ang couple ride sa mga motorsiklo, nire-require na ang mga motorcycle barriers o divider sa pagitan ng mga magka-angkas! Nakakalokah!
Mga frienship, medyo nakakatawa lang kung iisipin, biruin n’yo, magkasama ang mag-asawa sa bahay at paglabas ng bahay aangkas si misis para ihatid ni mister sa trabaho, pero kailangan may barrier o divider! Heler? Ano ba? Parang kalokohan naman ‘yan. Ha-ha-ha!
Hindi ako against sa proteksiyon kontra COVID-19, pero ano ba ang ipinagkaiba ng pagsasama ng mag-asawa sa loob ng bahay, eh, halos mas mahaba pa ang oras na magkasama sila doon kesa sa sandaling oras na inihatid lang ito sa trabaho tapos lalagyan ng divider? Sorry, pero nakakatawa talaga!
Mas nakakaloka dahil, walang standard na klase ng divider tapos wala rin namang datung ang ating mga kababayan para makapagpagawa o bumili nito. Kaya sangkaterbang memes ang nagkalat sa social media ngayon tungkol sa mga para-paraan ng mga couple kung paano nila “i-divide” ang kanilang mga sarili.
Sa meme, merong larawan na ginawang divider ang pintuan na hawak pa ni misis, meron ding nagbitbit ng life size na kuwadro bilang barrier, merong may dala ng lifesize bilao, nakakalerki talaga! ‘Sensiya na hindi ko talaga maiwasang hindi matawa at medyo mapika sa mga kalokohan. Ha-ha-ha!
Ang puna naman ng ating ilang kasamahang mambabatas wala na dapat daw barrier, somehow agree rin ako kasi meron daw nadisgrasya kamakailan lang dahil sa hindi mabalanse ng mga driver ng motor ‘yung bigat ng barrier o divider na nakakaapekto sa kanilang pagmaniobra ng mga motorsiklo. Hay jusko po! Que horror!
Heto nga, ‘yung atin namang frenny nating mga grupo ng Angkas, sila ay nagsasagawa ng masusing pag-aaral sa mga puwedeng irekomendang barrier, para makonsidera ang muling pagbiyahe nila. Sana nga para naman hindi na mahirapan sa pag-commute ang ating mga kababayan!
Commenti