ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 17, 2025
Photo: SB19, BINI, KZ at Lea - Instagram
Sina KZ Tandingan, SB19, Lea Salonga, Marcelito Pomoy, Jericho Rosales at Kristine Hermosa pala ang mga sikat at kilalang Pinoy celebrities sa China.
Nalaman namin ito nang makilala at makausap namin ang Pinay teacher from Palawan na may 13 yrs. nang nagtuturo sa Hubei, China, si Teacher Marianne Lourdes Leonor.
Naging guest siya sa Pandesal Forum ng showbiz colleague-entrepreneur na si Wilson Flores ng Kamuning Bakery last Feb. 14.
Naikuwento ni Teacher Mary (tawag sa kanya ng mga students niya sa China) ang kanyang inspiring life as an OFW at bumilib sa kanya si Dr. Cecilio K. Pedro, ang president ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) kaya ipinakilala rin siya sa press para mai-share nga ang mga struggles at achievements niya bilang Pinay habang nagtatrabaho sa Hubei, China.
Isa sa mga naitanong namin kay Teacher Mary ay ‘yung system of education sa China kumpara rito sa ‘Pinas. Na-curious kasi kami kung bakit ang galing sa business ng mga Chinese, na baka may puwedeng matutunan ang mga Pinoy at mai-apply dito sa atin para makatulong sa ating ekonomiya.
Sagot ni Ms. Mary, ibang-iba raw ‘yung sistema ng edukasyon sa kanila kumpara sa atin dahil primary grades pa lang daw sa China, inihahanda na para sa entrance exam sa college at talagang very disciplined at focused daw sa pag-aaral ang mga bata ru’n.
In fact, kung sa atin, 5 days lang ang pasok, sa China raw, minsan kahit Saturday ay may pasok para sa training ng Math o anumang subject na mahina ang student.
Sa English naman daw, may 8 classes a week para matutukan kung saan subject sila mahina.
Actually, kung magpo-focus lang daw ang mga estudyante rito sa atin sa pag-aaral, hindi naman malayong maabot natin ang pagiging advanced ng China technology wise.
Meanwhile, naitanong nga rin namin sa kanya kung sino ang mga sikat na celebrities sa China at ‘yun nga, sina KZ, SB19, Lea, Marcelito, Echo at Kristine (ng Pangako sa ‘Yo) ang mga kilala nila ru’n.
Si KZ kasi ay nag-join sa biggest singing competition in China titled Singer 2018 kung saan nakalaban pa niya si Jessie J, kaya kilala siya ru’n.
Ang SB19 naman ay nakilala raw ng mga Chinese kids dahil sa kanta nilang Gento.
Ani pa ni Ms. Mary, kilala raw ng mga Chinese ang mga Pinoy bilang mga “singer” dahil nga sa dami ng talented kababayans natin sa larangan ng pagkanta.
Very colorful ang naging buhay ni Teacher Mary sa 13 yrs. niya sa Hubei, China kaya kung gagawin siguro sa Magpakailanman ang life story niya, mas maraming Pinoy ang mai-inspire sa kanyang buhay-OFW.
ALAM kaya ng sikat na aktor na isinusuka siya ng mga ka-village niya?
May nakarating sa aming info na galit na galit sa aktor at talagang isinusuka siya ng mga kapitbahay at members ng kanilang HOA (home owners association) dahil naturingan pa naman daw na may posisyon sa gobyerno ang sikat na aktor, pero wala itong ginagawa para masolusyunan ang ‘major-major’ problem sa kanilang village.
Ang kuwento rito, nawalan ng supply ng tubig sa village dahil sa internal problem na involved ang ilang humahawak sa HOA.
Dahil may posisyon nga ang aktor, nilapitan siya ng mga kapitbahay at kalugar niya para umaksiyon na at masolusyunan ang kanilang malaking problema.
Ang siste, wala raw ginawa at dedma ang aktor kaya galit na galit ang mga kalugar niya at ang iniisip nila, either tamad lang talaga ang sikat na aktor kahit pa may posisyon naman ito sa gobyerno o may pinoprotektahan-iniiwasan itong makabangga kaya ayaw manghimasok at makialam sa problema ng kanyang mga kalugar.
Tsk! Gusto naming bigyan ng benefit of the doubt ang aktor dahil nakilala naman namin itong may kusang-loob sa pagtulong.
Baka nagkaroon lang ng miscommunication sa pagitan ng aktor at ng mga lumapit sa kanya kaya hindi niya natugunan ang tulong na hinihingi ng mga kalugar.
Sana’y mabasa ng aktor ang blind item na ito at matukoy niya ang sarili para magkusang-loob na siyang ayusin ang relasyon niya sa mga kapitbahay at kalugar.
Comments