ni Angela Fernando @News | July 8, 2024
Nagpahayag ang Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Lunes na umabot sa 2.11-milyong bilang ng mga Pinoy ang walang trabaho nu'ng Mayo ng taong ito mula sa 2.04-milyon nu'ng Abril.
Sa isang press conference, sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na naitala ang unemployment rate na 4.1% nu'ng Mayo 2024, na bahagyang mas mataas kaysa sa 4% na naitala nu'ng nakaraang buwan.
Samantala, ang employment rate ng bansa nu'ng Mayo ay umabot sa 95.9%, na mas maayos kumpara sa 95.7% nu'ng Mayo ng nakaraang taon, ngunit mas mababa kaysa sa 96.0% nu'ng Abril 2024.
Comments