top of page
Search
BULGAR

Mga Pinoy, na-excite sa “no-mask Christmas”

@Editorial | June 19, 2021



Nasabik ang mga Pinoy sa sinabi ng mga eksperto na kayang makamit ng bansa ang tinatawag ng “no-mask Christmas” kapag malaking bahagi ng populasyon ng bansa ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.


Ayon kay OCTA Research member at University of Santo Tomas biological sciences professor Father Nicanor Austriaco, kailangan ng 33 milyon doses ng COVID-19 vaccine para mapigilan ang virus at ang 52 milyong doses naman ay para makamit ang herd immunity.


Kapag nakamit ang herd immunity sa National Capital Region (NCR) Plus 8 na kinabibilangan ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Laguna, Batangas, Pampanga, Metro Cebu at Metro Davao ay mapoprotektahan na umano ang natitirang bahagi ng bansa.


Base rin sa kanilang ginawang kalkulasyon na kapag mayroong 250K katao ang nababakunahan kada araw ay mapipigilan ang virus sa Oktubre at makakamit ang herd immunity sa Nobyembre.


Malaki rin ang tiwala ng Palasyo na madaling makakamit ang no-mask Christmas.


Sa ngayon, kapansin-pansing dinaragsa na ang mga pila ng pagbabakuna. May mga senior citizens na kusa nang nagpapasama sa mga anak para maturukan. Tila nawala na umano ang pangamba sa bakuna at ang iniisip ay kung paano maging protektado sa sakit.


Nagkaroon na rin ng pagkakataon ang ibang essential workers na walang oras magpabakuna sa araw sa pamamagitan ng inilunsad na “Bakuna Nights”.


Kaya inaasahang maaabot ang target sa Pasko, ang goodbye face mask na.


Sa ngayon, huwag munang atat, laging pa ring sumunod sa mga health protocols at huwag nang pasaway.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page