Pinoy na kinidnap ang 2 anak sa Australia, nagpapasaklolo kay P-Du30
- BULGAR
- Aug 31, 2020
- 2 min read
ni Thea Janica Teh | August 31, 2020

Isang Pilipinong naninirahan sa Australia ang humihingi ng tulong kay Pangulong Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. matapos umanong kidnapin ang dalawang anak ng mga social workers mula sa New South Wales Department of Communities and Justice (DCJ).
Si Inocencio Garcia ay isang Filipino citizen na 25 taon nang naninirahan sa Australia at
ngayon ay nakikipaglaban sa custody ng kanyang dalawang anak. Kinidnap umano ang mga ito ng social workers sa DCJ sa Mount Druitt, Blacktown City sa Greater Sydney
metropolitan area sa New South Wales.
Ito ay nagsimula noong 2014 nang pumunta ang acting case manager na si Kayleigh
Wotherspoon sa kanilang bahay at dinakip ang dalawa nitong anak na sina Jennifer (3 ½
years old) at James (2 ½ years old). Siya ay nagtatrabaho noon at wala sa kanilang bahay.
Ang insidenteng ito ay konektado sa request ni Garcia na imbestigahan ang tiyuhin ng
kanyang asawa dahil inabuso umano ang kanyang asawa sa edad na 14 taon. Ngunit, imbes na mag-imbestiga ay dinakip umano ang kanyang mga anak.
Sinabi rin ni Garcia na puro kasinungalingan ang mga sinasabi ni Wotherspoon tulad ng
alegasyon na child abuse at malnutrisyon. Ginamit lamang umano ang lahat ng alegasyong ito upang madakip ang kanyang mga anak. Napag-alaman din nitong nakararanas ng depresyon at pananakit ang mga anak niya sa pangangalaga ng social worker.
Umabot na sa 7 taon ang kaso ngunit wala umanong nangyayari. Kaya naman humihingi na ito ng tulong kay Pangulong Duterte at Secretary Locsin para makuhang muli ang kanyang mga anak.
Aniya, “I know fighting justice for my children against the Australian government is like
looking for a needle in a haystack. A lawsuit entails legal cost, but when I toss a coin in the air, I am hoping for the favorable outcome, I am dreaming of some magical rose garden over the horizon for my two children. As they say, hope springs eternal.”
留言