top of page
Search
BULGAR

Mga Pinoy, balik-Afghanistan na

ni Gina Pleñago | February 6, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Muling bumalik sa Kabul, Afghanistan ang isang maliit na grupo ng mga Pilipino pagkatapos ng isang taon matapos na lisanin nila ito dahil sa kaguluhan.


Karamihan sa kanila ay galing umano sa ahensya ng United Nation (UN) at ilang mga internasyonal na organisasyon na pinayagan ng mga Taliban.


Ayon kay Migration Consultant Manny Geslani, ang mga OFWs na nagtrabaho sa nasabing bansa ay nakabalik pagkatapos ng isang taon mula sa kanilang magulong pagtakas sa Taliban noong Agosto 21, 2021.


Ang grupo ng mga Pinoy ay nakabalik noong 2022 upang magtrabaho para sa International Organization na nakabase sa Kabul katulad ng IMP, Red Cross, Save our Children, UNAMA at UNHCR.


Ang embahada ng Pilipinas ay nagawang iligtas ang 80 Pilipino sa isang chartered aircraft habang ang ibang mga OFWs naman ay nakaalis sa mga eroplanong militar ng US at United Kingdom.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page