ni Angela Fernando - Trainee @News | November 11, 2023
Ilang mga Pinoy na nailigtas sa hidwaang Israel at Hamas ang babalik pa rin sa Gaza pagkatapos ng nangyayaring karahasan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Dumating nang mas maaga sa bansa ang unang grupo ng 34 Pinoy galing Gaza, isa sa kanila ay overseas Filipino worker (OFW).
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, hindi magkakaroon ng parehas na pagtrato sa kanila tulad ng sa mga OFW ngunit makakatanggap pa rin ang mga ito ng malaking financial assistance.
Aniya, hindi naman mananatili ang mga ito sa bansa dahil hinihintay lang din nilang matapos ang giyera upang makabalik ng Gaza.
Bahagi ang unang grupo ng 40 na nakatawid sa Egypt nang mas maaga at anim sa kanila ay nanatili sa Cairo.
Comments