top of page
Search
BULGAR

Mga pekeng plaka, kalat na, dapat aksyunan

@Editorial | Enero 29, 2024


Paano magiging maayos ang isang bansa kung ang mga nasa sistema ay palpak at bulok?


Paano mapipigilan ang mga ilegal na gawain kung ang gumagawa ay mismong nasa loob?


Kamakailan, tatlong empleyado ng Land Transportation Office (LTO) ang nahuling nagpupuslit at gumagawa ng pekeng plaka sa mismong planta ng ahensya para ibenta.


Ayon sa mga awtoridad ang mga suspek ay maaaring may kinalaman sa scheme na illegal vehicle sales. Sa naturang modus, ang lider o financier ay bibili ng sasakyan saka ilegal na ibebenta gamit ang duplicated plates at pekeng LTO Official Receipts o Certificates of Registration documents.


Kaugnay nito, tiniyak naman ng LTO sa publiko na kayang tukuyin kung peke o hindi awtorisado ang mga plaka.


Mayroon umanong security requirements ang mga plaka na kailangan ng electronic scan kung saan kapag isinalang ito sa scanner, hindi lalabas ang security features sa plaka kapag peke.


Paliwanag pa ng ahensya, ang mga plaka ay computer-generated at mayroong QR code na kailangang i-scan para ma-activate ang plaka bago ito ipadala sa ibang bahagi ng planta upang ito ay maihanda para sa distribusyon. Pagkatapos, magsasagawa ng quality check ang ibang team sa mga plaka.


Ang tanong, paano ‘yung mga pekeng plaka na nagkalat na? Hindi natin masabi kung kelan pa nagsimula ang ilegal na gawain at kung ilan na ang nakalusot. May paraan din ba para matukoy at mahuli ang mga gumagamit ng ilegal na plaka?


Isa pang hamon hindi lang sa LTO kundi sa lahat ng ahensya ng gobyerno, pagsisipain na ang mga bulok na empleyado lalo na ang mga opisyal para ‘di makapanghawa.


Hangga’t may mga pasaway sa loob ng gobyerno, mahihirapan ang bayan. Kung walang maaasahang maayos at tapat na serbisyo publiko, walang asenso.

 

 

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page