top of page
Search
BULGAR

Mga payong pampa-“long life”, ayon kay Dr. David Sinclair

ni Dr. / Atty. Erwin P. Erfe, M.D. - @Sabi ni Doc | June 11, 2022



Ipagpatuloy natin ang talakayan sa mga paraan upang mapahabaang ating buhay, ayon kay Dr. David Sinclair, ang tanyag na propesor ng Harvard Medical School na ginawaran ng award of distinction galing sa American Federation for Aging Research at sa Australian Society for Medical Research.


Tungkol sa mga katanungan kung kailangan bamamuhay na palaging naka-calorie restriction diet upang magkaroon ng mahabang buhay, ayon kay Dr. Sinclair, hindi ito kailangan. Katulad ng ating tinalakay sa pangalawang parte ng serye, maaaring mag-umpisa kahit anong edad at makakamit pa rin ang mas mahabang buhay.


May iba pa bang paraan para mapahaba ang buhay na gamit ang calorie restriction diet? Ang sagot sa katanungan ay makikita sa mga research studies na nag-umpisa sa University of Chicago noong 1946. Ayon sa animal studies na isinagawa nina Dr. Anton Carlson at Dr. Frederick Hoelzel sa naturang unibersidad, ang periodic food restriction, kung saan hindi kumakain ang mga laboratory animals tuwing ikatlong araw ay nagpapahaba ng buhay nito ng 15 hanggang 20 porsiyento na mas mahaba kung ihahalintulad sa grupo na regular ang diet. Ayon kay Dr. Sinclair, nabuhay hanggang 81 years old si Dr. Carlson at 74 naman ang edad ni Dr. Hoelzel ng ito ay sumakabilang buhay.


Sa isang human study naman kung saan nag-restricted diet (vegetable soup, energy bars at supplements) ang mga participants ng limang araw sa isang buwan. Sa loob lamang ng tatlong buwan ay nabawasan ng timbang at body fat at bumaba ang blood pressure ng mga participants. Bumaba rin ang level ng insulin-like growth factor 1 or IGF-1. Ang level IGF-1 ay closely linked sa longevity o mahabang buhay. Ginagamit ang IGF-1 level ni Dr. Nir Barzilai ng Albert Einstein College of Medicine at ni Dr. Yousin Suh ng Yeshiva University in New York upang ma-predict with accuracy kung gaano kahaba ang buhay ng tao. Sina Dr. Barzilai at Dr. Suh ay mga batikang geneticists na nag-aaral ng centenarians (indibidwal na may edad 100 pataas).


Itong periodic restriction diet ay nakikita sa iba’t ibang grupo sa maraming bansa, dahilan kung bakit mahaba ang kanilang buhay. Isang ehemplo ay ang mamamayan sa Ikaria, Greece kung saan one-third ng populasyon ay may edad ng higit sa 90. Dahil sila ay miyembro ng Greek Orthodox Church sila ay nagpa-fasting at hindi kumakain ng karne, dairy products at olive oil ng mahigit sa kalahati ng taon. Nagto-total fasting din sila bago mag-Holy Communion.


Isang halimbawa pa ng lugar na tinatawag na “longevity hotspots” ay ang Bama County sa southern China, kung saan marami ring centenarians. Kaugalian sa nasabing lugar ng hindi kumain sa loob ng labing anim na oras araw-araw. Hindi sila kumakain ng almusal at kumain lamang ng kaunti sa tanghalian. Kumakain lamang sila ng full meal sa kanilang hapunan.


Abangan ang susunod na bahagi ng ating serye tungkol sa mga advice ni Harvard professor Dr. David Sinclair kung papaano humaba ang ating buhay.


 

Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page