top of page
Search
BULGAR

Mga pasikat at puro boladas na kandidato, ‘wag hayaang maupo sa puwesto!

ni Ryan Sison - @Boses | April 30, 2021



Makalipas ang mahigit isang taong pakikipaglaban natin sa COVID-19 pandemic, napakarami nating natuklasan.


Kabilang na ang kawalan ng maayos na health care system, naaabusong kapangyarihan ng mga nakaluklok sa puwesto, mga wa’ ‘wentang lingkod-bayan at siyempre, nariyan din ang mga talagang handang maglingkod sa kanilang mga nasasakupan.


Pero hindi lang ‘yan, kapansin-pansin din na tila ginagawang stepping stone ng ilan ang kasalukuyang sitwasyon para maitawid ang kani-kanyang layunin — at ‘yan ay ang mangampanya para sa susunod na eleksiyon.


‘Yung akala natin na bukal sa loob na pagtulong sa mga higit na apektado ng pandemya, palabas lang pala para maka-segway. Sinasamantala ang sitwasyon para sa tunay at pansariling layunin.


Paalala lang sa mga todo-pasikat d’yan, nasa kalagitnaan tayo ng pandemya at hindi kampanya. Kaya utang na loob, tigil-tigilan n’yo ang ganyang mga galawan.


Kung gusto ninyong tumulong, gawin nang bukal sa loob at iwasan nang magpa-epal.


Samantala, noong nakaraang taon pa lang, kitang-kita na natin kung sino ang mga may kakayahang maglingkod at ang mga wa’ ‘wentang opisyal ng gobyerno.


Kaya upang hindi na maulit ang ganitong eksena at tuluyan nang masipa sa puwesto ang mga nagmistulang display lang sa gobyerno, dapat nating iluklok sa puwesto ang mga may kakayahang magsilbi sa bayan.


Kaya naman, panawagan sa taumbayan, ngayon pa lang ay mag-isip-isip na kung sino ang dapat paupuin sa puwesto. Gamitin ang internet at iba pang kakayahan para makilala ang mga kandidato at isa pa, hindi porke sikat at maboladas ay iboboto na, dapat du’n tayo sa may “K” talagang maging lider.


Marami kasing lingkod-bayan kuno, pero ‘pag kampanya lang nakikita at ‘pag panahon na ng pangangailangan ay hindi na mahagilap.


‘Ika nga, bilang mamamayan ay may magagawa tayo para matigil ang ganitong sistema sa pulitika. At kung maraming botante ang kikilala sa bawat kandidato, hindi magkakaroon ng “epal” sa gobyerno.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page