top of page
Search
BULGAR

Mga pasaway na tiangge, ipapasara — M'cañang

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 24, 2020




Binantaang ipasasara ng Malacañang ang mga tiangge na hindi susunod sa minimum public health standards ngayong patuloy ang paglaban ng bansa sa COVID-19.


Nagbabala si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos magkumpulan ang mga mamimili sa Divisoria, Manila at Baclaran dahil sa Christmas rush at karamihan umano ay hindi sumusunod sa physical distancing.


Aniya, “Pupuwede naman pong limitahan iyong mga pumapasok sa mga tiangge, kinakailangan lang magkaroon ng special entry at exit point. “Kapag hindi po kayo nag-control ng crowd, baka maipasara kayo, lalo kayong mawawalan ng negosyo.”


Paalala naman ni Roque sa mga mamimili, “Alam nating kinakailangang mamili para sa Pasko pero ingatan naman natin ang ating mga sarili hindi lang para sa hanapbuhay kung hindi para tayo ay magkaroon ng maligayang Pasko dahil kapag kayo ay nagkasakit, nasaan ang Merry Christmas?”

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page