ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 8, 2021
Aarestuhin ang mga pasaway na deboto ng Black Nazarene na lalabag sa health and safety protocols sa kapistahan nito sa Sabado, January 9, ayon kay Manila Police District (MPD) Chief Police Brigadier General Leo Francisco.
Pahayag ni Francisco, "Sa pagtatalaga ng napakaraming pulis na 'yan, sila ay nandoon para magbantay ng physical distancing, pagsasabihan ang ating mga deboto kung sila ay [lumabag], i-maintain talaga ang physical distancing dahil nandiyan talaga ang panganib ng COVID. Kung sila ay makulit at hindi mapagsabihan, darating tayo sa arestuhan.”
Magpapadala rin umano ng mga bus galing sa Bureau of Jail Management and Penology na magsisilbing pansamantalang detention facility para sa mga lalabag sa health protocols.
Samantala, mahigpit namang ipinagbawal ng National Capital Region Police Office ang pakikiisa ng mga edad 15 pababa at 65 pataas sa naturang pagdiriwang dahil sa pandemya.
Paalala rin ng awtoridad, bukod sa face mask at face shield, kailangan ding magsuot ng footwear ang mga makikiisa sa kapistahan ng Black Nazarene.
Comments